Malaki ang paaralan ng St. Claire of Baguio City or SCBC na nasa gitna ng mayayabong na pine trees. Maliban doon ay napapagitnaan rin ang naturang paaralan ng iba’t-ibang uri ng puno. Sa lawak ng kolehiyong ito ay meron itong sariling simbahan na siyang sentro ng atraksyon dito.
“Mabuti na lang at maaga kang lumuwas dito. Sa susunod na linggo pa ang pasukan kaya makakapag ayos kapa ng mga gamit.”, ani Mang Kulas, isa sa mga Janitor sa Dormitoryo ng mga lalaki na tumutulong din sa mga studyanteng naliligaw o bago pa lamang sa institusyon.
Habang binabaybay nila ang pangalawang palapag ay napansin niyang malaki ang dormitoryo ng mga babae. Mahaba ang pasilyo nito at may karamihan ang mga kwarto. Tatlong palapag ang naturang building. Bakas sa itsura nito ang kalumaan ngunit nasisiguro niyang matibay pa rin ito base sa mga materyales na ginamit. Puting tiles ang kabuuan ng hallway at apple green naman ang kulay ng dingding. “Matagal na rin ang paaralang ito at medyo matagal na rin akong naging janitor dito” kwento ni Mang Kulas. Nang marating na nila ang kwarto ay ibinaba na nito ang malaking bag na dala niya. Meron rin siyang bagpack na siyang nilalagyan niya ng pitaka, cellphone at iba pang mga importanteng kagamitan. Ito rin ang bag na gagamitin niya sa pasukan.
“Room 202, ito na nga yung kwarto mo hija”. Nag paalam na si mang Kulas at siya ay pumasok na rin sa loob ng kwarto. Bumungad sa kanya ang madilim na silid. Sarado ang dalawang malalaking bintanang gawa sa salamin. Ang makakapal na kurtina ang tumatabon sa liwanag galing sa labas. Napatingin siya sa suot niyang relo at hindi niya namalayan na mag aalas singko na pala ng hapon. Nilibot niya ang paningin sa kabuuan ng silid at namangha sa laki ng espasyo nito. Mayroong dalawang kama, at dalawang study table. Meron ding mesa at upuan para sa maliit na hapagkainan. At sa kabiling parte ay mayroong sofa set na naka letrang L ang ayos. Nilagay niya sa isang kama ang malaking bag at packback niya. Pinaraan niya rin ng tingin ang cabinet na katabi ng kama. “Ito na ang magiging tirahan ko. Sana maging mapayapa ang lugar na ito para sakin.” Ilang saglit pa ay may narinig siyang nahulog sa kanyang likuran.
__________________________
Dahil sa gulat ay mabilis siyang napatingin sa kanyang likuran. Lumapit siya sa malaking salamin na kuha ang buong katawan na nasa tabi ng pangalawang kama. Saglit siyang napatitig sa kanyang repleksyon at naalala ang bagay na nahulog kanina lang. “Ano ba yun?”. Kinapa niya ang sahig hanggang sa ilalim ng kama at nang may makapa siya ay agad niya itong pinulot.
Nang tingnan niya ang bagay na napulot ay napagtanto niyang isa itong maliit na kahon na gawa sa kahoy. She wondered kung kanino ba ang kahong iyon. Nung napagtanto niyang hindi mabubuksan ang kahon ay inilapag nalang niya iyon sa ibabaw ng cabinet sa tabi ng kama.
Sinimulan na niyang ayusin ang kanyang mga gamit. Naalala niyang habang nag iimpake ng gamit ay iyak nang iyak ang kanyang ina. Alas diyes ng umaga ng siya ay gumayak. Isang oras ang naging byahe niya sa jeep at pagkarating sa sakayan ng bus ay inabot siya ng dalawang oras sa paghihintay. Doon na rin siya nananghalian sa mismong terminal at nagdesisyon na bumili na rin ng pagkain para sa kanyang hapunan. Iniisip niyang baka gabihin na siya sa byahe at hindi na makahanap ng malapit na kakainan.
Dalawang buwan ang nakararaan ay nawalan na siya ng pag-asa na makakapag-aral pa ng kolehiyo. Naisip niyang maging labandera na lamang para makapag aral kahit man lang ang mga kapatid. Dahil sa kanyang tiyahen at pagiging valedictorian ay nabigyan siya ng scholarship sa SCBC. Apat na taon na libreng matrikula ang saklaw ng nasabing scholarship. Malaking tulong na iyon para sa kanya. Ang tiyahen niya naman ay nagpresentang mag papaaral sa kanya. Hindi niya inakala na utang pala ang magiging tulong at kailangan niya itong bayaran pagkagraudate niya kasama na rin ang interes.