Umaga na nang siya ay magising. Mahina ang kanyang katawan kaya nahirapan siyang bumangon. Inalala niya ang mga nangyari at mapaklang napangiti. "Tang*na." Hinimas niya ang batok at nilibot ang paningin sa buong bahay. Dahan-dahan siyang tumayo at hinanap ang kanyang cellphone ngunit hindi niya ito mahagilap. Magulo ang buong bahay na parang pinasok ng mga magnanakaw. Hindi na niya iyon pinansin at pumanhik na sa kanyang silid. Bumungad sa kanya ang malaking canvas na nasa dingding. Ito ang kanyang ipininta noong magtapat siya kay Elena na mahal niya ito. Ito ang araw na nagtaka ito dahil wala itong makita na painting sa kanyang silid. Pinag-usapan nila si Mike at nakatulog ito sa kanyang dibdib. Siya naman ay hindi madalaw-dalaw ng antok dahil sa namuong galit nang mabanggit ni Ele

