Kabanata 35

1513 Words
"Lumayo ka nga sa'kin, Paul." Pinanlisikan niya ito ng mata. "Why?" "Ayokong may marinig mula kay nanay." "I’m not doing anything—what are you even talking about?" Wika nito habang nakayakap sa kanya mula sa likod. Kasalukuyan siyang nagsasampay ng mga damit dahil nasa hospital ang kanyang ina habang ang lima niyang mga kapatid ay nag-aaral at mamaya pa uuwi ang mga ito. Ngunit alam niyang makakarating pa rin ito sa mga magulang niya dahil sa mga kapitbahay nila. "I'm not f*cking you or whatever. Stop being so paranoid." Sinisiko niya ito ngunit hindi talaga ito natitinag. With his arms wrapped snugly around her from behind, he held her close as she reached up to hang another piece of clothing on the line. His face was nestled in the curve of her neck, brushing soft kisses that made her shiver. “So…what do you want to eat today?” he murmured against her skin. “Because me, I’m craving you, baby.” She let out a sigh, half-exasperated, half-amused, but he only chuckled, squeezing her tighter, his warm laugh vibrating against her shoulder, filling the air between them with a sweetness she couldn’t resist. Kahit kinikilig siya ay ayaw niya itong ipahalata sa binata. Baka lalo lang lumaki ang ulo nito. Palihim nalang siyang napangiti. Nang matapos sa paglalaba at paglilinis ng bahay ay nagpasya siyang pumunta sa bayan upang mamili ng pang hapunan. "Sasama ako." Umirap siya at bumaba na sa hagdan nila. Ayaw niya itong isama dahil mayaman ito at halatang hindi sanay sa pamamalengke. Alasingko na at kailangan na niyang umalis at baka gabihin pa siya. Mabuti nalang at nakauwi na ang mga kapatid niya at may maiiwan na sa bahay. Humabol ito at humawak sa baywang niya na pilit naman niyang tinatanggal dahil bawat tao na madadaanan nila ay gustong lumapit at mag-usisa. May kasama siyang isang gwapong mayaman na mukhang european ang features. Malamang ay hindi pa sila makakabalik ng Baguio ay kakalat na ang chismis na ikakasal na siya. "Bakit hindi mo dinala ang mga gamit mo?" Bulong niya rito. Nakasuot ito ng khaki shirt at itim na shorts. Mas lalo itong naging gwapo sa paningin niya. Habang siya ay nakasuot ng malaking t-shirt at maong na pantalon. Kasalukuyan nilang tinutungo ang sasakyan ng binata na naiwan sa ibaba dahil ang bahay nila ay nakatukod sa elevated na bahagi na ng bukid. "Nang sa gayon ay makahanap ka ng tutuluyan sa bayan dahil mukhang wala ka namang planong umuwi ng Baguio." Narinig niyang tumawa ito. "I'll be sleeping in your house." Mabilis niya itong nilingon at tinaasan ng kilay. "Your mom practically insisted I stay over—after all, I am your guest. Don’t believe me? Go ahead, call her and find out." Dugtong nito. "Saan ka matutulog? Tatlo lang ang kwarto doon. At wala kaming foam. Kahit electric fan ay wala." "I don't care." Matigas nitong tugon. Alam niyang hindi na nito babaguhin ang desisyon ngunit sa buong byahe ay kinumbinsi niya pa rin ito. Nang makarating sa palengke ay inasahan na niyang malulukot ang mukha nito at hindi sasama sa kanya sa loob ngunit nagulat siya dahil marunong palang mamalengke ang binata. Marunong itong mangilatis ng karne, gulay at prutas. Si Paul ang may dala ng bayong at siya ay nakasunod lang dito. "Uy, pogi. Bili na po kayo ng prutas. Mura lang ho rito." Mayroon pang iba na kumakalabit sa kanila. Nang makabalik sila sa entrada ay kinuha ng binata ang panyo sa bulsa at pinunas sa pawis niya. Sa gulat ay umilag siya dahilan kaya umirap ito. Hindi man lang ito pinagpawisan. Siya na walang ginawa ang siyang butil-butil ang pawis. "I'm hungry. Let's eat over there." Tinuro nito ang isang bakery na tanging kainan na malapit sa lugar. Hindi pa siya nakakasagot ay hinawakan na nito ang kamay niya at mabilis siyang hinila. Maglalakad na sana sila nang may tumapik sa likod niya. "Elena? Ikaw ba 'yan?" Narinig niya ang pamilyar na tinig ng isang lalaki. Nilingon niya ito "Jose. Kumusta ka na?" Nagulat siya ng niyakap siya nito. "Ikaw ang kumusta! Ang laki na ng ipinagbago mo. Mas lalo kang gumanda." "Seriously? It's so obvious! Can you please back off from her? You smell like a dumpster on a hot day, for crying out loud!" Nahiya naman ito at lumayo ng kaunti sa kanya. Inayos nito ang hawak sa itim na balde na may lamang hipon. "Ang tagal na nating hindi nagkita. Yung huli ay noong graduation pa natin. Saan ka nag-aaral ngayon?" "Sa Baguio." Naririnig niya ang mahihinang mura ng binata sa tabi niya. "Ah talaga? Saan ba iyon?" Napakamot ito sa batok. "It's a place where stinky people are not allowed." Siniko niya ito. "Sa Benguet, Jose. Maganda doon." Tumango ito kahit nagtatanong pa rin ang mga mata. "May boyprend ka na ba?" Nahihiya nitong tanong. Kababata niya ito at ang mga magulang nila ay matalik na magkaibigan. Madalas itong tumulong sa tatay niya sa bukid at kapag nagpupunta ito sa kanila ay palagi itong may dalang bigas at mga gulay. "Hindi siya pwedeng ligawan." Matigas na tugon ng binata. "Bakit? Sino ka ba?" Tumaas na ang kilay nito. Mukhang magkakagulo pa yata sila sa entrada ng palengke. "Ah, Jose si Paul. Kaibigan k-ko." Hinila siya ni Paul at mariing binulungan. "Kaibigan? Really?" "Kaibigan ka lang naman pala ni Elena. Bakit kung umasta ka ay asawa ka niya?" "Putang-" "Ah, Jose mauuna na kami ha. Mukhang gutom na kasi 'tong kasama ko." Ngumiti ito ng matamis at tumango. "Etetext kita ha." Tumango siya at dali-daling hinila ang binata na umuusok na ang ilong sa galit. "Huwag na huwag mong itetext iyon. Naiintindihan mo?" Wika nito na parang boss at hindi pwedeng suwayin. "Matalik kong kaibigan si Jose, Paul." "Wala akong pakialam. Basta ayokong magkatext kayo." Sa inis niya ay binatukan niya ang binata. Panay ang mura nito at hindi makapaniwala sa ginawa niya. Maraming tao sa paligid at may iba pang natatawa sa kanila. ___________________ Napangiti siya nang masilayan muli ang loob ng bakery. Wala pa rin itong pinagbago. "Anong gusto mo?" Tanong ng binata habang kumukuha ng pera sa wallet. "Chicken Siopao lang yung akin." Tumango ito at agad na bumili. Napailing siya. Akala niya ay maarte ito. Hindi pa nga niya lubos na kilala ang binata. Nang makabalik ito sa lamesa ay natawa siya sa binili nito. Limang siopao ang binili ni Paul at isang litrong tubig. "Ang galing mong mamalengke ah. Pwede ka ng mag-asawa." Tukso niya rito pagkaupo ng binata. Mataman siya nitong tinitigan at biglang tumahimik. May nasabi ba siyang masama? Tahimik silang kumakain at panay ang sulyap niya sa binata. Mahina siyang umubo at huminga ng malalim. "Papano mo nalaman na si Sebastian ang magiging hurado sa kompetisyon?" Tinaas nito ang kilay habang nilalagyan ng ketchup ang siopao. "My friend told me." Kaswal nitong sagot. "May alam ka pala sa paintings?" Tumango naman ito. "I'm the one who painted Twisted Reverie and Last Glow." "Ikaw?" "Mukha ba akong walang talento?" Nakakatakot na tanong nito. Kung tama ang pagkakaalala niya, ang Twisted Reverie ay binili ng isang presidente sa ibang bansa noon. Naibalita iyon ng ilang linggo dahil malaki ang ibinayad sa painting na iyon at halo-halo ang naging komento ng mga tao. Ang Last Glow naman ay nasa National Museum ngayon. "Hindi ako naniniwala." Umiling-iling siya. "Really?" "Really." Inabot nito ang tissue at pinunasan ang bibig at mga kamay. "Okay. Ask me something about Last Glow." Saglit naman siyang nag-isip. "Lahat ng impormasyon ay alam ng lahat." Natawa ang binata. "Alam kong marunong kang mag-interpret ng meaning sa iba't-ibang artwork. Gamitin natin iyon." "Pero hindi ko nakita ang painting sa personal. Papano ko malalaman iyon?" "Alam kong nakita mo na iyon sa TV sa school niyo, o sa facebook." "Okay. Sige." Nag-isip siya ng komplikadong tanong na hindi masasagot ng ibang tao maliban nalang kung ito ang gumawa ng painting na iyon. "What is the hidden message of the painting?" "That life is short." Ang totoo ay hindi iyon ang unang makikita sa unang tingin sa painting ngunit baka pareho lang sila ng interpretation doon. "Teka, teka. Ang dali noon eh. Isa pang tanong. " "Go on." "Hindi ako sigurado kung ano talaga ito dahil hindi ko naman ito nakita sa personal pero may detalye sa isang kanto ng canvas na hindi gaanong mapapansin. Saang banda ito at ano ito?" "In the bottom left part, there's a shadow of a boy who wanted to die when he was young. Beside him is a woman who is crying. The image is intertwined with the waves, making it almost impossible for someone to see at ikaw palang ang unang nakapansin nun. Even my ex had a different interpretation kahit nahawakan na niya ito." Nagulat siya. Nanindig ang balahibo niya. "Based on the interview, the unknown painter created the painting from his life experiences." Tumango ito. "Yes." "Does it me-" "Yes." "Why?" "Because he experienced abuse from his father during his childhood—an ordeal that occurred not just once or twice, but every night."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD