Alas tres palang ngunit dumidilim na ang paligid. Tumingala siya at napangiti. Uulan kaya? Wala siyang makitang ibang tao sa paligid. Tanging mga sasakyan lang ang saksi sa pinag-uusapan nila ng estranghero. Nabibigatan na siya sa mga nangyayari. Para itong isang daan na kailangan niyang tahakin ngunit wala itong hangganan. Daan na kabisado niya, alam niya. Wala itong malinaw na destinasyon na nagpalungkot sa kanya. Blangko ang kanyang expresyon habang nakikinig sa lalaking walang tigil sa pagbato ng walang kabuluhang akusasyon. Walang preno ang bibig nito. "Alam mo Dante, kung sumusuko ka na sa mga pulis ngayon kaysa sa makipag-usap sa akin at kumbinsihin ako sa mga paratang mo tungkol sa kaibigan ko ay mababawasan pa siguro ang parusa mo. Habang pinapatagal mo ito ay binibigyan mo l

