-- I woke up with a feeling that someone is looking at me, intently. Hindi nga ako nagkamali dahil nang buksan ko ang mga mata ko ay agad kong nakita si Arc na nakaupo sa gilid ng kama ko, may hawak na itim na libro, naka-dequatro, at nakatingin sa’kin. Napa-ungol ako at tinakpan ang mukha ko gamit ang unan na yakap yakap ‘ko bago tumagilid. “Privacy please,” I said with my hoarse voice. I heard the sound of the book made when he closed it. “You have none of those.” Naramdaman ko ang pagtayo niya sa upuan at saka binato ako ng unan na galing kung saan. Inis akong umupo sa kama at masama siyang tinignan. Looking back, I never had the time to sleep freely, ngayon lang. And, my damn, freaking, selfish, master (Please note that I’m saying this in my mind sarcastically) can’t even consider

