Relax, Gabriella. Simply raise your brow. Paulit-ulit ko 'yong sinabi sa sarili pero bago ko pa magawa ay medyo dumilim na sa gilid ko. Nang tingalain ko 'yon ay nakatayo na roon ang nakangising si Leon. Awtomatik na tumaas ang kilay ko nang ilahad n'ya ang kanyang kamay. "Can I have this dance?" Maging ang mga mata n'ya ay nakangiti na rin. "Who! This is the first time na itong si Napoleon ang nagyaya ng sayaw! Madalas ay s'ya itong niyayaya at lagi naman s'yang tumatanggi!" Tumawa ang isa naming kasama sa lamesa. Nasa amin na rin ang atensyon ng iba pang nasa lamesa at lahat ay nag-aabang sa gagawin ko. Muntik pa akong magtaka. Pero bakit nga ba? Hindi ko nga alam kung bakit mula nang umuwi ako rito sa Pilipinas ay nakakalimutan ko nang mga kilalang tao sa lipunan ang mga makakas

