Ngiting-ngiti si Yelena. Bagay na bagay sa kanya ang pulang long gown na suot n'ya, agaw atensyon ang matingkad at makislap na kulay niyon. Dalawa ang slit ng gown kaya sa bawat paglakad n'ya ay kitang-kita ang mahahaba, mapuputi at makikinis n'yang mga hita. Pareho nakataas ang aming mga buhok. Naka-croissant bun ang sa akin at may ilang hiblang nasa gilid ng aking mukha. Yelena's hair is in bouffant updo style. Malinis ang mukha n'ya, walang kahit isang hibla ng buhok na nakatakas. She looks like some famous actress in Hollywood. Hindi magkapareho ang kulay ng kanilang mga suot but they look like a power couple. A couple who resembled and support each other's strengths and weaknesses. I sighed and looked at my food. Nagugutom ako kanina pero ngayon ay nawalan na ako ng gana. Wal

