Namumungay ang mga mata ko nang tingnan ko ang sarili sa salamin. Alam ko nga lang na hindi iyon dahil sa makeup. Dahil sa antok 'yon! I'm wearing a maroon and silver evening dress. It has a sweetheart neckline at kaunti na lang ay lalapat na sa sahig. Simple lang ang tabas ng gown pero iyon ang nagustuhan ko. Ang itaas na parte ay kulay silver at nakahapit ang tela niyon mula sa balakang ko hanggang sa kalahati ng hita at nakabagsak naman ang tela mula roon. Kumikislap pa ang pagka-silver ng mga parte ng damit na may ganoong kulay. Kaya hindi na ako nagpagawa pa dahil ito kaagad ang kumuha sa atensyon ko. Elegante kasi talaga at bumagay sa morena kong kulay. The details of the dress gave justice to its elegant design. May mahaba itong slit, umaabot sa itaas ng kaliwang hita. Ang isang

