"May nabanggit ba sa 'yo si Engineer Ocampo? Road is here again, walking back and forth. Mukha na naman s'yang nalugi sa itsura n'ya. Nangunot na ang noo ko. "What is it? Tungkol saan?" Abala si Ric mula pa noong Lunes kaya hindi pa ulit kami nagkikita. Nagkakausap naman kami lagi sa telepono kaya okay lang iyon sa akin. I trust him but Road's worries lingered on my mind since then. Kaya nga lagi akong nagtatanong sa kanya kung may problema ba sa main company ng pamilya n'ya pero hindi naman s'ya nagsasabi. Laging wala ang tugon at madalas ay iniiwasan n'yang pag-usapan lalo na kung nagtatanong na ako. Isa pa, naiintindihan ko na tinatapos n'ya ang lahat ng trabaho n'ya. Pati iyong mga maiiwan n'ya kapag nasa Germany na s'ya ay inaayos na n'ya. Isang linggo lang s'ya roon pero siyem

