That was the best weekend I ever had. Sabagay, lahat naman ng araw na kasama ko si Ric, memorable. Kaya sobrang okay na ako kahit na medyo bitin. Kuntentong-kuntento ako sa ilang araw na bakasyon na iyon. It was like a dream, isang napakagandang panaginip. Alam ko nga lang na hindi ako nananaginip, totoo ang lahat ng ito. "You're glowing!" malakas na bulalas ni Letti nang mag-Lunes at bumisita sila sa opisina ko. I eyed her and Sabina, the latter is scowling. Hindi nga lang ako sigurado kung bakit mukha na naman s'yang bad trip. "Mukhang nadiligan ka ng ilang beses, Gab, ah!" walang filter ang bibig na sabi ni Sabina. "Nag-uumapaw ang kagandahan mo ngayon!" Napaismid ako. Si Letti naman ay nasamid sa iniinom n'yang juice. Magkatapat ang dalawa sa receiving area. Ako naman ay nakaup

