Nakailang irap na yata ako kay Ric. Paano ba naman, mula pa nang magsimula ang meeting hanggang matapos ang pagpirma ni Road sa kontrata, hindi na nawala ang ngisi n'ya sa akin. Hindi ko alam kung bakit ang saya-saya n'ya. "S-So..." Katulad kanina ay nanginig na naman ang boses ni Yelena. Nagkasundo ang lahat na sandaling pag-usapan ang development sa design ng mga bahay na itatayo sa subdivision at sina Yelena at Engineer Pineda ang nagre-report doon. Nakikisali rin si Architect Lim paminsan-minsan. "Ilang disenyo na lang ng mga bahay ang gagawin namin," pagpapatuloy ni Yelena. She cleared her throat. "Katulad ng nakikita n'yo sa mga hand outs, pare-parehong box ang disenyo ng bawat unit ngunit may kaunting style ang corners ng mga iyon. Para hindi magmukhang low-cost and cheap." I l

