Isang meeting at ilang report lang ang ginawa ko pero pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Iyong araw na 'to nga lang ang pinakamagaang araw sa linggong ito pero pakiramdam ko ay isang linggong trabaho na ang ginawa ko. Iyong pakiramdam na sumali sa race, that's what I'm feeling at the moment. Actually, kahapon pa lang. I'm affected. Alam ko iyon dahil nagsimula akong magkaganito mula kahapon, nang malaman ko ang tungkol sa conference na pupuntahan ni Ric at posibleng kasama n'ya roon si Yelena. Kahit na sinabi ni Sabina na hindi s'ya sure sa mga narinig n'ya, hindi pa rin iyon nawala sa isip ko. Hindi ko naman ipinapahalata na mabigat ang laman ng dibdib ko tungkol sa nalaman pero kapag ganitong mag-isa ako rito sa malaki kong opisina, sobrang lungkot ang nararamdaman ko. Puwede ak

