"What?!" I saw a rage Letticia for the first time. "She asked you to do that?!" I told her what had happened in Manila Pen. Hindi naman lahat at hindi ko sinabi ang detalye. Hindi ko gustong sumama ang tingin n'ya sa mommy ni Ric pero sa nakikita ko ngayon, hindi na n'ya kailangang marinig ang lahat ng sinabi sa akin ni Tita Eleana. She's fuming mad. "And Eleana Ocampo prefers someone like Yelena? What the fûck?" I shook my head. Nagmumura na s'ya, galit na nga. Nasa sala na kami at nagtsa-tsaa. Ngayon ay nakatayo na s'ya at palakad-lakad sa kanyang sala habang nakapamaywang. Naniningkit ang mga mata n'ya sa inis at kung gugustuhin lang n'ya, baka nagmumura na s'ya ngayon kahit na hindi naman talaga s'ya palamura. She's annoyed. "That's ridiculous, you know!" "Naiintindihan ko naman

