"Are you sure? Hindi ka na talaga magtatagal?" tanong ulit ni Luigi. Nakailang tanong na s'ya sa akin niyon. I smiled and nodded. "Pagod na kasi ako, Luigi. Catch up na lang tayo bukas." Totoo naman iyon. Nasa mahigit dalawang oras yata akong nakababad sa swimming pool kanina, palangoy-langoy, sisid at floating. Sa pressure pa lang ng tubig sa katawan, nakakapagod na. Muntik na rin akong hindi pumunta rito sa after party. Pinilit ko lang ang sarili dahil umuo na ako kay Luigi at muntik na nga rin n'ya akong sunduin. Alas otso nagsimula ang party. Eight thirty na nang dumating ako rito at gusto ko talagang sundin ang plano ko na isang oras lang akong magtatagal dito. Gusto ko ring makita ang mga nakasama ko sa project na ito at ang mga trabahador. Ginawang exclusive sa party ang bar

