Napangiti ako nang marinig ang malakas na hiyawan. Sa sobrang lakas niyon at sa ingay ng paligid, hindi ko na alam kung mula ba sa matatanda o mga bata. Ilang rides lang ang idinagdag bilang attraction dito sa resort. Hindi katulad ng ibang amusement park na kompleto sa rides. Pang-attract lang talaga sa mga clients ng resort at the same time, to market its amenities. Water slide na inilagay sa pinakamalaking swimming pool ng resort, carousel, bumper cars, vikings, drop tower, at screamin' swing. Dagdag attraction din ang mini-clubhouse at ang lighthouse. At dahil kanina lang binuksan sa publiko ang mga attraction, madaming tao at madami ring booths sa paligid para ma-cater ang kuryusidad ng mga clients. It's always the first day— the most important day sa ganitong klase ng mga negos

