After another thirty minutes, our dinner ended. Nag-offer pa ang mommy ni Ric na ihatid ako sa bahay pero tinanggihan ko na iyon. Dismayado s’ya pero naipaliwanag ko naman na may naghihintay sa aking driver. At iyon nga, mayroon nga katulad ng plinano nina Markiel. May nag-aabang agad sa akin na isa sa mga tao ni Matthew. Wala naman akong ginawa sa dinner kundi kumain at makinig sa lahat ng mga sinabi ni Eleana Ocampo pero pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Hindi nga ako masyadong nagsalita kung tutuusin. At kung iisipin, mas maingay pa ang mga iniisip ko kaysa sa mga sinabi ko. Kaya nagtataka pa ako na nakaramdam ako ng pagod. Maybe I was exhausted dahil kahit paano… nabawasan ang bigat ng pakiramdam ko. Dahil at least, nabawasan ang isa sa mga dinadala ko. Sa halip nga lang na gumaa

