My forehead creased. Ni hindi ko alam kung paano ipo-proseso ang sinabi n'yq. Blue? As in asul? Ibig sabihin ay may dahilan talaga kung bakit puro asul na bulaklak ang ipinapadala n'ya sa akin? Dahil gusto n'yang maalala ko s'ya sa pamamagitan ng mga iyon. But... hindi ko talaga naaalala na may interaction kami ng taong ito. Kahit noong college! Oo nga at madami akong naging ex-boyfriend noon pero lahat sila, sigurado akong matatandaan ko kung makakasalubong ko ngayon. Ang hindi ko na lang siguro maaalala ay iyong mga nagladlad na kung sakali pero so far, wala pa naman. At itong lalaking nagpapakilalang Blue Moreno, hindi s'ya pamilyar sa akin. Even his name, it doesn't ring a bell. "Pasensya na pero hindi talaga kita kilala," mariing sabi ko at sandaling inayos ang pagkakahawak s

