Nagising ako sa marahang paghaplos sa buhok ko. I opened my eyes slowly at si Letticia kaagad ang unang bumungad sa akin. Nasa mukha n'ya ang pag-aalala at mabilis s'yang tumayo nang makitang gising na ako. "Gabriella! Are you okay? May masakit ba sa 'yo? Nagugutom ka ba o nauuhaw? May gusto ka bang kainin? “I’m okay.” I groaned a bit. O kay? Sinong okay samantalang ang sakit ng buo kong katawan! “Kailangan mong magpahinga nang maayos, Gabriella. Mabuti na lang at hindi ka nabalian!” gigil na sabi ni Letticia at kitang-kita ang galit sa inosente n’yang mukha. “I’m fine, Letti…” I looked around. Nasa ospital ako, halata naman iyon sa ayos at amoy ng silid na kinalalagyan ko. At alam kong dito talaga ako dadalhin ng mga kaibigan ko. But knowing Letti, hindi s’ya pumayag na hindi ako

