"Maupo po kayo..." I tried to move para abutin ang upuang kanina lang ay kinauupuan ni Letti pero nagulat na lang ako nang hawakan n'ya ang kamay ko ay yakapin ako nang mahigpit. Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero sa sobrang higpit ng yakap n'ya, parang gusto ko na lang umiyak. Parang gusto kong ngumalngal at magsumbong sa kanya. Kanina naman ay okay lang ako pero ngayong niyakap n'ya ako, iyong yakap na parang sa isang ina, sobra akong naging emosyunal at kulang na lang ay mawalan ako ng kontrol sa damdamin ko. Mabuti na lang at napigilan ko pa ang sarili pero hindi ko napigilan ang mumunting paghikbi mula sa akin. Nakapikit na lang ako at hinayaan kong yakapin n'ya ako. I cried... slowly. Iyong tipong hirap na hirap akong magpigil ng emosyon pero dahil sa bawat paghagod

