"Are you sure about this?" Nasa helipad na nga kami ng sasakyan ay iyon pa rin ang tinatanong sa akin ni Matthew. Kinakasihan nga yata talaga ako ng suwerte dahil pagkatapos ng tawag ko kay Aidan ay siya namang pagbisita sa akin ng lalaking ito. Hindi na tuloy ako mamomroblema kung paano s'ya kakausapin dahil nandito na s'ya. I glanced at Letticia. Nakahalukipkip s'ya at ilang beses nang umirap mula nang sabihin ko sa kanya ang kagustuhan kong umuwi sa Nueva Vizcaya. Nakakatawa nga dahil ang ginagamit kong term ay uuwi ako roon. Samantalang ni hindi ko alam kung ano ba ang uuwian ko roon. Mayroon ba? Ni wala akong alam sa probinsyang iyon at ni hindi ko alam kung ano ang makikita ko roon. But the province's name sounds familiar to me. Para bang kilalang-kilala ko na iyon kahit na h

