Alas onse y medya ang usapan namin ni Roderick. Iyon kasi ang ibinigay ko sa kanyang oras at pumayag naman s'ya. Hindi rin naman malayo ang lugar kung saan kami maglu-lunch. At dahil hindi Linggo, dire-diretso ang sinasakyan kong taxi. Hindi na ako nagdala ng sasakyan dahil nagiging madalas ang pagtirik niyon sa daan. Hindi ko rin naman kailangan dahil susunduin daw ako ni Ric, ewan ko nga lang kung saan kami pupunta. Nagce-cellphone lang ako habang nasa taxi. Kasalukuyan kasing nagkakagulo ang mga kaibigan kong ugok sa group chat ng barkada. Alfonso: Trending na naman si Reymond. Nakita n'yo? Hanggang dito sa Canada, natataranta 'yong mga empleyado namin. Josiah: Really? Nasa Mindoro ako, walang ibang guwapo rito kundi ako. Natawa ako sa sinabi ni JC. Unggoy talaga. Sebastian:

