It's a very formal confession. Iyong klase ng pagtatapat na hindi nakakaasiwa at hindi rin nakaka-pressure. Para lang nagbibigay ng magandang advice. "Did I startle you?" Road chuckled. Halatang sinadya n'ya para pagaanin ang atmosphere. Ngumiti ako. Oo at bahagya akong nagulat pero hindi ko naman tinatanggal ang posibilidad na iyon kaya kahit paano ay inaasahan ko na. Ang hindi ko lang inaasahan ay napakakalmado ng pakiramdam ko sa sinabi n'ya. Hindi katulad ng ibang confession na natanggap ko na lagi na lang ay namomroblema ako kung paano ko tatanggihan. Road's confession is like a mutual decision. Iyon bang kahit anong maging desisyon ko, alam kong walang magbabago sa aming dalawa, walang mababago sa relasyon namin bilang magkaibigan at magkatrabaho. "Thank you..." may panghih

