XENIA POV: Nakatingin ako sa bintana, naglalakbay ang diwa ko sa nakalipas na buwan, lahat ng naranasan kong pasakit na tila walang katapusan. Pero may masayang nangyari at mayroon akong nakilalang mga kaibigan at tao na naging malaking parte ng buhay ko. Tahimik naming binabaybay ang South Luzon expressway. Pauwi ako ng Laguna para bisitahin ang mga kaibigan ko. Ang mga magulang ko, ang doktor na tumingin kay Rowan. Hindi ako mapakali sa totoong nangyari. Tinext ko sina Rommel at Arya na makipag kita sa akin sa bayan. Niyaya nila ako sa Café ni Madam Cris. na balita ko may boyfriend na o fling ngayon. Nang humimpil ang sasakyan sa tapat ng café bumaba agad ako ng hindi lumingon kay Mr. L. Dali-dali akong pumasok sa loob ng café ng matanawan ko ang dalawa sa mula sa labas. Kita kong

