ANTAGONISM TO FRIGHTENING

2540 Words

XENIA POV: Puting kisame ang kinamulatan ko. Amoy hospital ang unang hangin na nalalanghap ko. Ipinikit kong muli ang mga mata ko para masanay sa liwanag. Napatingin ako sa kamay ko, nakabitan ako ng suwero. Umalingawngaw agad sa tenga ko ang salitang binitawan ng Inay. “Hindi kita anak!” parang dinurog ang puso ko. Wala akong maalala na mabuting nangyari sa pamilya ko. Kundi puro paghihirap, murahan, sigawan at sakitan. Hanggang kelan ba dapat tatanaw ng utang na loob ang anak sa mga magulang? Tumingin ako sa magkabilang gilid ko, pamilyar na bulto ng dalawang lalaking malapit sa akin. Parang may kung anong malamig na kamay ang humaplos sa puso ko. Napapangiti na lang ako. Kahit papaano may concern sa kalagayan ko. Ilang minuto ko silang dalawa tinitigan bago ako gumalaw at nagsalita.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD