XENIA POV: HINABOL ko yung magnanakaw ng cellphone hanggang sa makalayo ako sa village, sumakay ako ng jeep pabalik. Nang makarating ako doon, nakikiusap ako sa guard na tawagan nalang si Sir Adam dahil kilala niya ako ngunit hindi na nila ako pinansin. Mag aalas otso niya ng gabi, wala akong mahiraman ng telepono isa pa hindi ko kabisado ang numero ni sir Adam. Umupo ako sa gilid kung saan ako umupo kanina. Pinatong ko ang aking baba sa taas ng tuhod ko. At matiyagang naghihintay sana dumaan si Sir Adam. Tiningnan ko ang aking pambisig na relo mag aalas nuebe na, isang busina ng sasakyan ang nag paangat ng tingin ko, nakababa ang salamin ng bintana ni sir Adam. “Xenia!” galit na galit ang mukha niya. Bumaba siya sa kotse, at lumapit siya sa akin na nag liliyab ang mga mata. Takot a

