XENIA POV HINDI ako makahumang sa kinatatayuan ko matapos akong ipakilala ni Adam na bagong katulong niya. Mukha naman talaga akong katulong sa suot ko. Kupasing pantalon at lumang t-shirt. Hindi ko na namalayan ang paghila sa akin ni Aling Rosa papasok sa kusina. Kung saan may daan papuntang maid’s room. Pagpasok namin meron dalawang single bed at dalawang malalaking cabinet sa magkabilang gilid. “Xenia, wala na si Minerva dito, kaya tayo ang magkasama sa iisang silid,” malumanay na wika ni Aling Rosa. Tumango ako. At magalang na nag paalam na gagamit ng banyo. Pagpasok ko doon, bumuhos agad ang masaganang luha ko sa aking mga mata. Okay lang naman maging katulong ako, pero masakit pala kapag sinampal ka ng katotohanan na langit siya lupa ka. Akala ko sa mga pocketbook o tv ko lang n

