XENIA POV: Halos hindi ako nakatulog kagabi, pabaling-baling ako ng kama. Hindi parin maalis sa isip ako ang halik ni Adam. Lagi nalang niya akong hinahalikan. Nakakarami na siya. “Gusto mo naman” kastigo ng isip ko. Pati sa panaginip ko dala ko ang halik na tumatatak sa aking isip at puso. Ano ba itong nararamdaman ko, mamaya sasambulat sa aking mukha ang katotohanan baka meron na siyang kasintahan. Pinilig ko aking ulo. Ganun pa man maaga akong nagising kinabukasan. Ala sais pa lang ng umaga, gising na ako at diretso ako sa banyo para maligo. Ang daming bago sa buhay namin ni Rowan, paano ang pag-aaral ko. Baka pwede ko naman pakiusapan si Adam na kung maaari ipagpatuloy ko ang aking pag aaral. Ilang buwan nalang ay matatapos na ako. Nakaka panghinayang kung titigil pa ako. Iginala

