Chapter 5: Euridice Mom

1094 Words
TITLE: Salvatore's Reign WRITTEN BY: AVANITAXX CHAPTER 5 NAGING everyday routine ni Euridice ang pagbisita sa kaniyang mommy. Pero this time, si Alexander ang naghatid sa kaniya. Bagamat, laging seryoso ang asawa niya naroon pa rin ang pag-aalala nito para sa kaniya. “Don't be late, we have dinner together with, Don Vitto. Ipapasundo kita mamaya.” Tumango si Euridice bilang tugon kay, Alexander. Nasundan niya nang paningin ang papalayong sasakyan ng asawa. At sumilay sa labi ang tipid na ngiti. Kahit naman laging sinasabi ni, Alexander na huwag siyang mangialam sa mga ginagawa nito ay hindi niya maiwasang mag-alala rin. Para kasing lagi itong sumasabak sa giyera dahil, may armas na laging nakatago sa kotse nito. Tahimik na tinahak ni, Euridice ang room ng kaniyang ina. At pagpihit niya sa seradura ay bumungad sa kaniya ang maaliwalas na silid. Her mother had been in a coma since a severe accident. Pahirap kay Euridice ang bawat araw na nakikitang nakaratay pa rin sa higaan ang kaniyang ina. Bumigat ang nadarama niyang kalungkutan sa puso nang titigan niya ang ina. “Mom, I'm here again. I wish you could wake up and talk to me like we used to.” Nanubig ang kanyang mga mata at saka hinawakan ang kamay ng mommy niya. “Nawili ka na po sa pagkakatulog. I've been talking to you every day, at sana isang araw magigising ka na.” “Mom, hindi ka maniniwala. Ikinasal na po ako. Natandaan mo po ba si, Alexander Salvatore? Siya po ang napangasawa ko. Napaka-sungit niya, mommy. Pero atleast, hindi niya ako sinasaktan. Makikita mo rin siya kapag magising ka na.” She paused, her voice wavering. “I just wish you could be there to see all these little things, Mom. Ang dami mo na pong na-missed na moment. And I miss you so much.” Tears welled up in her eyes as she leaned in closer, resting her head on her mother's bedside. Mariin niyang sinundan nang tingin ang monitor at saka nilipat sa ina ang tingin. Her mother lay in the hospital bed, completely unresponsive, connected to various machines monitoring her vital signs. She heaved a sigh, patuloy sa pagtibok ang puso ng mommy niya, pero wala pa rin sign kung kailan magising ito. “Dinalhan po pala kita ng bulaklak ngayon mum, iyong paborito mo po.” Kinakausap niya ang mommy niya na para bang gising ito. Ang sinabi kasi ng doctor, ay nakakatulong iyon sa kondisyon ng kaniyang mommy kapag ginawa niya. Lahat, naikuwento ni Euridice sa mommy niya. Pati na rin ang pagmamalupit sa kaniya ng madrasta niya. Muli siyang yumakap sa mommy niya, at ngumiti kalaunan. “Alam ko po na hindi kayo makasagot, pero gusto kong sabihin sayo kung gaano kita kamahal. Ikaw ang lahat sa akin, mommy. I won't give up on you.” Ngumilid ang luha sa mga mata ni Euridice subalit, nakangiti siyang yumakap sa kaniyang ina. —-- KALAUNAN, nabungaran ni Euridice si Alexander, at naroon ito nakaupo sa loob ng sasakyan. Bahagya niyang nilaro-laro ang mga daliri dahil, sa tensyon. Alam niyang galit ito dahil, natagalan siya. “Get inside!” maotoridad na utos sa kaniya nu Alexander, bagay na ikinasunod niya rito dahil sa takot na mabulyawan siya ng asawa. “You’re late!” mahinang sabi ni Alexander nang maupo siya sa tabi nito. “Sorry, pinalitan ko pa kasi ng damit si, Mommy,” naisagot niya rito. Naiyuko ni Euridice ang kanyang ulo at saka napaiwas ng tingin. Subalit, bahagya siyang nagulat dahil, hinuli ni Alexander, ang mukha niya, at iniangat ito bagay para magkatitigan silang dalawa. “Tingnan mo ako sa mga mata ko kapag kausap mo ako, Euri. I hate to be ignored.” Halos matuyo ang laway niya dahil, sa kaba. Hindi niya maintindihan na para bang may mga paru-paru sa kanyang tiyan, at biglang nang-iinit ang mukha’t tainga niya. “I’m sorry,” tanging naisagot ni Euridice. He smirked. Sinenyasan nito ang driver na umalis na sila. Ramdam ni Euridice ang biglang pagwawala ng kanyang puso, at grabe ang pintig niyon . Nakakatakot ang isang Alexander. Hindi niya nanaising titigan ito sa mata dahil, nakakatunaw. “Stop saying sorry. I don’t want to hear that from you again. Don’t think too much, Miss Martin. Maybe I'm your husband, but that doesn't mean... I'll be good to you.” Natigilan si Euridice. At kaagad na iniwas ang paningin. Humigpit ang paghawak niya sa hawak na clutch dahil, sa biglang pagsikip ng kanyang puso. Hindi niya naisip, na mas nakakasakit ang sinabi sa kaniya ng asawa kumpara sa pananakit sa kaniya ni Isolde. “I know, hindi ko kakalimutan ang mga sinabi mo, Alexander.” “Good!” tanging tugon nito bagay para tumahimik ang loob ng sasakyan. Iyong driver, panaka-naka ang tingin sa kaniya. Nahuhuli iyon ni Euridice dahil, sa kaniya nakasentro ang paningin nito. Pilit siyang napangiti bagay na ikinatigil na lang din niya dahil, naramdaman niya ang mainit na palad ni, Alexander na pumisil sa hita niya. Inilapit nito palapit sa kaniya ang bibig at bumulong sa may bandang punong-tenga niya. “Don’t flirt with anyone else, Euridice, except for me. If I know it, I will not hesitate to blow your skull.” Dahil sa sinabi ni Alexander sa kaniya, ay ramdam niya ang pananayo ng kanyang mga balahibo sa likod. Nahigit niya rin ang hininga nang magsimulang lumakbay ang kamay nito papunta sa pagitan ng kanyang nga hita. “Stop that! Do you have the nerve to do that.” She stopped him but he just smirked. “Why? Are you afraid of being seen by my driver? Don't worry, I'll pluck out his eyes if he dares to look.” His words shut her. Mabuti na lamang talaga at may tumawag sa cellphone nito. “Jeez. Napaka-manyak ng lalaking ‘to!” sa isip-isip ni Euridice. Subalit, tila nagpantig tenga niya mula sa narinig na sagot ni Alexander sa katawagan. “Let them dare to enter my territory, Dark. And let’s see how it works.” Nakinig lang siya sa pinag-uusapan nina Alexander at ng katawagan nito. Hindi niya alam pero kinakabahan na siya. Hindi pa niya lubos na kilala ang pagkatao ni, Alexander. “I’m going to visit you today. I’m with my wife.” Natigilan siya dahil sa sinabi ni Alexander. Napatitig si Euridice sa mukha nito pero, tiningnan lang siya ni Alexander, nang malamig na tingin. She bit her lower-lip. Hindi niya rin mapigilan ang mapangiti. “D*mn! I can feel the butterflies in my stomach.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD