Habang nasa loob ng tent ay hindi na nawala sa isip ni Mardy ang sinabi ni Gunter. Ilang costumer na ang nagpahula sa kanya pero hindi siya sigurado kung tama pa ba ang nababasa niya sa baraha. Hindi mawaglit sa kanyang isipan ang mukha ng batang lalaki sa larawan ng picture nito. Buong maghapon ay halos tulala siya at hindi mapakali. Ano bang nangyayari sa kanya? Nang umuwi ang lalaki kanina ay ibinilin nitong uuwi na daw ang anak nitong si Harry sa Pilipinas sa susunod na araw. Nasa ibang bansa daw kasi ito dahil doon ito lumaki. At ngayon nga ay napagdesisyonan ng lalaki na isama na ang bata sa pilipinas. Sa lahat nga ng sinabi ng lalaki payungkol sa bata ay kakatwang sobrang interesado siya. Gusto pa sana niyang magtanong ng mga ilang bagay ngunit tinubuan siya ng hiya. At hindi niya

