Araw ng sabado kaya naghanda na si Mardy para sa pagpunta niya ng palengke. Nakasuot siya ng itim at mahabang maxim dress na abot hanggang sa sakong. Nabili lang niya ang damit sa divisoria ng 200 pesos at nagustuhan niya ang tela niyon kaya kahit nagtitipid ay hindi niya mapigilang bumili. Ang mahaba niyang buhok ay sinadya niyang ikulot upang mas manghuhula talaga siyang tingnan. Nude lipstick din ang kanyang ginamit at dark ang mga eyeshadow sa mata at nasiyahan naman siya ng makita ang sarili kanina sa salamin. Sexy at magandang manghuhula, ayon pa kay Ada nang makita siya nito kanina. Pagdating sa palengke ay napangiti siya ng makitang matao at maraming namimili kaya mas maraming chance na may magpahula. Kapag kasi matumal ang tao ay matumal din ang benta at ibig sabihin matumal din a

