CHAPTER 9

1381 Words
Hindi malaman ni Mardy kung ano ang magiging reaksyon. Ang kaninang hinanda niyang ngiti ay tuluyang nabura at napalitan ng pagkagat ng kanyang labi. Ang ginang naman sa kanyang harapan ay may mabait na ngiti sa kanya. Aang totoo ay napaka tamis ng ngiti na nakapaskil sa mukha nito. Tuloy ay tinubuan siya ng hiya sa katawan. Kahit naka roba lang kasi ang babae ay namumukha parin itong mamahalin. Mas kapansin-pansin tuloy ang pagiging hampaslupa niya. "G-goodmorning ho madam.." mahina at hindi sigurado niyang sambit. "Indeed a goodmorning hija. Come here." anitong hindi nawala ang malawak na ngiti habang papalapit sa kanya. Ang akala nga ni Mardy ay kakamayan lang siya ng ginang kaya nagulat talaga siya ng yakapin siya nito ng magaan. "M-madam.." tanging nasambit niya hanggang sa bitawan siya nito. "I'm sorry, I'm just so happy to see you again." "Ako din po." tugon niya na lamang kahit hindi sigurado. "Oh so sweet of you hija.. come on, I want you to see my collection.." magiliw nitong turan sabay hila sa kamay niya. Hinila siya ng babae patungo sa dahon ng pinto at hindi talaga siya binitawan hanggang sa marating nila ang loob. Kung namangha siya sa hitsura sa labas ng bahay nito ay halos malula naman siya sa loob. Kung karangyaan ang pag uusapan ay mukhang gising ang ginang noong nagsabog ang diyos dahil sinalo nito ang lahat. Tila isang palasyo ang loob ng bahay nito na may king couch or king sofa kung tawagin na nakahilera pabilog sa gitna ng living room. May diamonds na nakapaligid sa mga iyon na parang upuan ng mga reyna at hari. Hindi alam ni Mardy na ganito ito kayaman dahil sobrang bait nito noon sa palengke. Taliwas sa anak na parang ipinaglihi sa sama ng loob. May mga mahahaling figurines pang nakalagay sa gilid ng king sofa na tantya ni Mardy ay kasing halaga na ng buhay niya. Natatakot tuloy siyang haplusin o masayaran man lang ng kanyang daliri ang mga gamit doon sa takot na madumihan pa ng kamay niya. "Halika hija.. May gusto akong ibigay sayo." tawag sa kanya ng ginang na nasa likod ng malaking salamin na parang aparador. Sa loob niyon ay mga collection nito ng alahas. Nagkikislapan ang mga dyamante na nakahilera pa base sa sukat nito. Sa ibabaw ay malalaking kwentas, may mga gold bracelet din siyang nakita na kaya na yatang bumili ng ilang ektaryang lupain. May mga singsing din at iba-ibang uri ng alahas na hindi na siya nag abalang tingnan lahat hindi dahil wala siyang interest kundi dahil sa dami niyon ay mahihirapan siyang sipatin isa-isa. "Some are my husband's gift for me.. He was just so obsessed showering me all of these. And some are my personal picked. Hindi halatang mahilig ako sa kumikislap no?" may halong tawa nitong turan sa kanya habang nililibot ang tingin sa paligid. "Hindi nga po halata madam.." tugon niyang hindi na mapagilang mapangiti. Nahahaws na siya sa ginang. "Just call me tita Lisa. And please.. Loosen up yourself around me hija.. Gusto kitang maging kaibigan." turan nito sa kanya. "Nakakahiya naman po." "Oh come on, Don't be shy on me, hija. And besides, I'm sure my son would be more glad if he sees you here." sambit pa nito kaya nakagat ni Mardy ang ibabang labi. Tuloy ay bigla siyang kinabahan na baka nasa paligid lang pala ang anak nito. Pinilit niyang bigyan ito ng ngiti kahit sa loob ay gusto nalang ni Mardy na umuwi. "Oh, wait.." anito sabay kuha ng isang gold necklace na isa sa mga collection nito. May nakasabit na pendant na isang batang anghel na kulay ginto din. "I want you to have this hija.." turan nito kapagkuwan. Nanlaki ang mata ni Mardy ng titigan ang kwentas. Hindi rin nag sink in sa kanyang isip ang sinabi ng ginang. "Madam- este t-tita.." "Just think about this as my early gift for you.." dagdag pa nito habang hawak ang kwentas. Simple pero sobrang elegante. Manipis lang din iyon pero ang ganda parin. "T-tita.. Ang mahal po nito.. Sobra-sobra na po 'to..H-huwag na po.." Pagtanggi ni Mardy. Ayaw niyang samantalahin ang kabaitan nito sa kanya. Isa pa ay nagtataka siya kung bakit ang dali para ditong bigyan siya ng ganito, na kung tuusin ay dalawang beses palang siya nitong nakita. "Malulungkot ako pag hindi mo tinanggap, hija. Bihira akong magbigay ng regalo sa isang tao pero sobrang gaan kasi ng loob ko sayo.." "Sobra-sobra po ang ganyan sa isang regalo, T-tita.." bahagya pa siyang nautal sa huling salita dahil hindi naman siya sanay. Mas madali sana kung madam or maam dahil mas nasanay siya na ganoon sa bawat kliyenteng hinaharap niya. "It doesn't matter, hija." "P-pero malayo pa po ang birthday ko, ilang buwan pa po mula ngayon." Sa April palang ang susunod niyang kaarawan kaya nakakahiya tumanggap ng regalo. Lalo na kung galing sa taong kung iisipin ay estranghera pa lang sa kanya. "I know." mahina nitong sambit kaya napakunot siya ng noo. Magtatanong pa sana siya kung anong ibig nitong sabihin pero naunahan na siya ng babae. "Let me wear this to you, hija." sa isang iglap ay nakarating na agad ang babae sa likod niya at sinuot sa leeg niya ang kwentas. Wala talaga siyang balak na tanggapin pero bigla siyang nahiya nang makita ang lungkot sa mga mata ng babae ng sabihin niya kaninang hindi niya tatanggapin. Halos manginig ang kamay ni Mardy nang hawakan ang pendant ng kwentas. At ramdam niya ang lamig niyon sa kanyang balat na hindi yata nasanay na masayaran ng alahas. Pero ang ikinagulat ni Mardy ay may kakaibang pakiramdam ang namahay sa kanya ng hawakan ang kwentas, na para bang may isang bagay ang naibalik sa kanya. Napailing nalang siya sa isip at tumingin sa ginang na tila maiiyak na habang nakatunghay sa kanya. Jusko Mardy! Mukhang naiiyak na si Madam Lisa dahil sa kwentas niya! "Salamat po.. Pero sigurado po ba kayo?" Tumango lang ang ginang at kumurap-kurap. "Okay lang po ba kayo, T-tita?" pansin niya kasing tila ilang saglit nalang ay iiyak na ito. Kinakabahan tuloy siya na baka may nasabi siyang hindi nito nagustuhan. "I'm just happy that its been put back where it really belongs." Naguguluhan man sa sinabi ng ginang ay hindi na niya nagawang magtanong. Baka ganon lang talaga ito magsalita. Masyadong matalinghaga pero wala naman sigurong malalim na ibig sabihin. Ipang sandali lang din ay niyaya na siya ng ginang sa kwarto nito. Doon daw sila mag uumpisangag make up. Halos hindi naman siya nahirapang pagandahin ang babae dahil natural na makinis at mas bata ito sa totoong edad. Nakakatuwang hindi rin ito maarte sa mga make up na gamit niya kahit hindi kasing mahal ng mga ginagamit nito. Pero sinisigurado naman ni Mardy na safe ang mga product niya dahil ayaw niyang magka problema sa mga magiging kliyente. Nang matapos sila ay ayaw pa sana siyang pauwiin ng babae ngunit magalang siyang tumanggi. Nahihiya na kasi talaga siya kabaitan nito. Hindi na rin niya tinanggap ang baya ng babae dahil sobra-sobra pa ang kwentas na binigay nito sa kanya. At isa pa ay simula nang tumapak siya sa bahay ng ginang ay may hindi maipaliwanag na pakiramdam siyang nararamdaman. Parang weird na hindi niya maintindihan. "I understand, hija. Sana sa susunod ay mas mahaba pa tayong makapag usap. I'm serious when I said earlier that I want you to be my friend." sabi nito nang hindi na siya mapigilang umalis. "Sige po, Tita..Maraming salamat po talaga." sambit nalang ni Mardy. Bago siya tuluyang umalis ay yumakap pa ng mahigpit sa kanya ang babae at tinapik ang kanyang balikat. "Sayang at hindi ka na maaabutan ng anak ko. Ipapahatid nalang kita sa driver ko and please, huwag kanang tumanggi para alam kong safe kang makakauwi." Wala nang nagawa si Mardy dahil hindi talaga siya papayagan nitong umalis na hindi ipapahatid. At nagulat pa siya ng pati driver nito ay tila nanlaki ang mata ng makita siya. Gusto niya itong tanungin kung bakit pero hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit hindi niya magawang ibuka ang bibig. Para bang sa araw na iyon ay biglang nawala ang palabiro at walang hiyang Mardy. Tahimik lang din naman si manong driver kaya tinubuan na rin siya ng hiya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD