CHAPTER 10

1637 Words
Napakunot ang noo ni Mardy ng makitang may taong nakatayo sa labas ng kanyang bakuran. Matangkad, nakapamulsa at nakatalikod mula sa kanyang gawi. Nakayuko din ito ng bahagya kaya hindi niya masyadong naaaninag kung sino at dagdag pa na medyo may kadiliman sa bahaging iyon ng bakuran niya. Bahagya pa siyang huminto sa paglalakad sa pag aakalang baka masamang tao ang naghihintay sa kanya. Sinipat niya ng maigi ang taong mukhang naiinip na sa paghihintay at pinapapak na ng mga lamok dahil panay ang kamot nito sa leeg at kamay. Alas dyes na ng gabi at ngayon lang siya nakauwi galing sa raket niya. Nagugutom na nga siya kaya may dala siyang special na pancit galing sa lamay na pinuntahan niya. Patay kasi ang m/ni-make-upan niya kanina kaya heto at may libri siyang hapunan. Ilang saglit lang ay dahan-dahan siyang humakbang at unti-unting lumapit sa taong nakatalikod mula sa kanya. At nang medyo nasa likuran na siya nito ay bigla siyang napatigil. Nakayuko paman din siya na parang tanga at hinanda ang bag na dala para ihampas sa pagmumukha ng kung sino mang humbre ang naghihintay sa kanya. Dahil unang-una ay wala naman siyang bisitang inaasahan. Teka.. Bakit ang bango naman yata ng taong ito? "What are you doing?" Kung kanina ay natataka siya kung bakit mabango ito, ngayon naman ay nagtataka siya kung bakit tila pamilyar sa kanya ang boses. Madilim kasi talaga ang kinatatayuan ng lalaki kaya hindi niya maaninag ang mukha. Alam lang niyang lalaki dahil base sa bulto nito at sa paraan ng pagkilos. Nang dahan-dahan siyang tumayo ay hindi niya ihiniwalay ang tingin sa tao hangga't magpantay ang kanilang mga mukha. At sa oras na masalubong ni Mardy ang matiim na titig ng isang lalaki na kilalang-kilala niya ay unti-unting nanlaki ang kanyang mata. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita kaya bahagya niyang pinasingkit ang mata. Nagbabakasakaling magbago ang mukha ng taong kaharap ngunit ilang ulit na niyang ginawa ay ganon padin naman. Ang gwapo at blangkong emosyon parin ni Gunter Santibañes ang kanyang nakikita. "Its me." buong-buo ang boses nitong turan na lalong nagpanganga sa kanya. "A-anong ginagawa mo dito?" bahagya pa siyang nautal ng magsalita. Magkaharap parin sila nito kaya amoy na amoy niya ang mamahalin nitong pabango at ang amoy ng bibig nitong halatang pangmayaman. Amoy mint pero hindi matapang. Gusto niyang kastiguhin ang sarili dahil lahat nalang pagdating sa lalaking ito ay napapansin niya. Pati amoy ng hininga, shuta! "Maybe you have forgotten what we talked about a week ago." sambit nito na medyo may diin ang tinig. Bigla naman siyang napaisip kung ano ang sinasabi nito. At wari'y may bombilyang nag switch on sa utak niya at naalala ang pinag usapan nila sa cellphone noong tuimawag ito. Nawala kasi sa kanyang isip dahil sa dami niyang raket sa linggong ito. Kunting-kunti nalang kasi at mabubuo na niya ang pambayad niya sa bahay nila ng kanyang lola. Mas mabilis nga niyang napag ipunan dahil sa sunod-sunod niyang trabaho na hindi niya inaasahan. Tuloy ay hindi pa niya alam kung may solidong pasya na ba siya sa inaalok ng lalaki. Hindi na din siya nagtangkang magtanong kung bakit nito alam ang kanyang bahay. May powers yata itong alamin ang mga gusto nitong malaman kahit nakaupo lang ito buong maghapon. Matagal bago siya nakasagot at tanging katahimikan lang ang nakapagitan sa kanilang dalawa. Tila wala naman itong reklamo kahit nakatayo lang sila sa labas ng bahay niya buong gabi. "Hindi pa ako nakakapag desisyon." pag amin niya sa lalaki. Hindi niya alam kung nagalit ba ito pero wala siyang nakikitang reaksyon sa mukha ng lalaki at nanatiling walang emosyon ang mga mata nito. "I guess I have to help you decide.." anito kapagkuwan. Gumuhit ang pagtataka sa kanya at nagtatanong ang kanyang mukhang tumingin sa lalaki. Gusto niyang itanong kung ano ang ibig nitong sabihin ngunit naunahan na siya nito sa pagsasalita. "I will double my offer." turan nitong nakapamulsa. Tumaas naman ang isang kilay ni Mardy at medyo may nasaling sa kanyang ego. Walang duda na mukha naman talaga siyang pera pero tingin niya ay mas gago ito kung iniisip nitong dahil parin sa pera kaya siya nagdadalawang isip. Hindi madaling mag alaga ng bata no! "This is not all about money." matigas niyang sambit na pati siya ay nagulat sa sinabi. Sheyt! Siya ba talaga yon? Bigla ay parang may sumanib sa kanyang ibang tao na hindi niya sigurado kung sino. Nakita niya ang pagtiim ng mukha nito at pag igting ng perpekto nitong panga. Mas lalo din lumamig ang paraan ng pagtingin nito sa kanya. Kahit madilim ay hindi iyon hadlang upang makita niya ng buo ang emosyong nakapaloob sa mukha ng lalaki. "Then what is it all about, Mardy?" anito sa kanya. Imbis na sumagot ay tumalikod siya mula sa gawi nito. Hindi na niya kayang tagalan ang mga titig ng lalaki na wari'y binabasa ang buong pagkatao niya. Na para bang may alam ito na hindi niya alam. Nagsimula talaga ang lahat mula noong gabing nanaginip siya ng mga pangyayari sa isang aksidente. At hindi niya din alam kung konektado ba ang pangyayaring iyon kay Gunter dahil pati mukha nito ay nakita na rin niya sa panaginip niya. Sadyang umiiwas siyang isipin dahil para sa kanya ay masama ang maidudulot niyon sa buhay niya. Bigla kasing nagulo ang tahimik niyang buhay. Dumadami din ang tanong sa kanyang isip at nakakaapekto iyon sa kanyang disposisyon. Nang makalapit sa kanyang pinto ay ramdam niya ang nakasunod na yapak ni Gunter sa likod niya. Binuksan niya ang pinto ng bahay at pumasok doon. Kanina ay gutom na gutom siya ngunit bigla niyang nakalimutang iyon ng makita ang lalaki. Nagulat pa si Mardy ng pagharap niya sa gawing likuran ay nabangga siya sa dibdib ni Gunter. Hindi niya inaasahan na ganon lang pala ito kalapit. Muntik na nga din siyang matumba dahil nawalan siya ng balanse ngunit maagap nitong nahawakan ang kanyang bewang. "Tsk, careful, woman." may inis nitong turan. Sa isang iglap ay nawalan siya ng boses at natameme. Huli na nang mapagtantong hawak parin siya nito sa bewang kaya para siyang napasong bigla nalang humiwalay dito. Namumula din sigurado ang kanyang buong mukha. Samantalang ang kaninang nakabukas na palad ni Gunter ay kumuyom bago nito ibinaba sa magkabilang gilid nito. "B-bakit hindi ka pa umaalis?" aniyang hindi makatingin dito ng deretcho. Ano ba Mardy? Kailan ka pa nailang sa isang lalaki? piping kastigo niya sa isip. Noong huli silang magkita ay nakakaya pa niyang magbiro at kung naiilang man siya ay nakakaya niya iyong itago pero hindi niya alam kung bakit hindi na niya magawa ngayon. Naningkit naman ang mata ng lalaki at bumukol pa ang dila sa loob ng pisngi. Tila nawawalan ng pasensya. "You didn't even gave me your answer, I'm waiting for that." flat ang tono nitong sagot. "Hindi pa nga ako nakakapag desisyon. Ang sabi ko naman sayo ay ako mismo ang tatawag sayo diba?" nakataas ang kilay niyang sambit. "Na hindi mo ginawa." "Dahil wala pa akong pasya! Kaya sa ngayon umalis ka muna. Hindi magandang tingnan na may bisita akong lalaki sa ganitong oras ng gabi." sabi nalang niya baka sakaling umalis na ito. Pero hindi man lang natinag ang kumag at tumaas lang ang sulok ng bibig. Medyo napatanga pa siya ng makita iyon dahil unang-una ngayon lang niya nakitang ngumiti ang lalaking ito, kung ngiti nga ba iyong matatawag. Dahil may nasisilip din siyang inis sa magaganda nitong mata. "At kapag ibang lalaki ay okay lang." anito. Hindi tanong o ano. Kumunot ang kanyang noo sa sinabi ng lalaki. "Kapag ako, hindi agad magandang tingnan, is that it?' wala siyang nababasang expresyon sa mata nito kundi kalamigan. "Hindi ganon 'yon. At paano mo nasabi na may ibang lalaking pumupunta dito sa bahay ko, aber?" pinag krus niya ang braso sa ibaba ng dibdib at atomatikong dumako doon ang mata ni Gunter kaya agad niya itong pinanlakihan ng mata. Wala naman itong sinabi at ibinalik ang tingin sa kanyang mukha. "I just happened to know."sagot naman nito. Naalala niya tuloy noong araw na nagpunta dito si Gino. Hanggang ngayon ay hindi parin nasasagot ang tanong niya kung bakit alam nito ang bagay na iyon at kung ano ang pakialam nito kung may lalaking bumibisita sa kanya. Dalaga naman siya! Pero bakit kadalasan ay ramdam niyang hindi? Isa sa nakakabaliw niyang pakiramdam. "Gusto mo'ko?" Sa halip at tanong niya. Oo na, assuming siya pero wala naman siyang nakikitang ibang dahilan kung bakit ganito ang asta nito sa kanya. Pwera nalang kung may ibang dahilan na hindi pa niya alam. "You wish." "Yon naman pala. Bakit ka ganyan?" turo niya sa gawi nito. "Ganyan? What do you mean?" pag mamaang-maangan pa ng lalaki. Naiinis na kinamot niya ang ulo at tumalikod. Bakit ba ang bilis bumaliktad ng sitwasyon? Dati naman ay siya ang nang iinis sa lalaki tapos ngayon ay siya na ang nakukunsimisyon dito. "Bahala ka. Baka isipin ng kapit bahay na may asawa na ako dahil anong oras na oh, nandito ka parin." wala sa loob na sambit niya. Pati siya ay hindi inaasahan na lalabas iyon sa sariling bibig. Nahawakan niya tuloy ang mukha dahil nag iinit ang kanyang pisngi. Pagtingin niya sa lalaki ay tila nagulat din ito sa narinig. Pero mas nagulat si Mardy sa narinig mula kay Gunter. "Hindi nga ba tayo mag asawa, Mardy Hanna?" may emosyong nakapaloob sa mata nito na hindi niya kayang basahin. Mas lalo lang siyang naguluhan. "Anong ibig mong sabihin? Sino si Hanna?" may halong tawa ngunit naguguluhan niyang sambit. Mukhang nakalimutan nito ang second name niya! Hindi naman ito sumagot at bigla nalang tumalikod sa kanyang gawi, tuloy-tuloy din ang lalaki na lumabas ng pinto. Naiwan tuloy siyang hindi makapagsalita hanggang sa hindi na niya makita ang bulto nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD