Nang makaalis ng tuluyan si Gunter sa bahay ni Mardy ay doon lang din niya naalalang nagugutom na pala siya. Kung hindi pa tumunog ng malakas ang tiyan ay hindi siya kakain. Sarap na sarap siya sa pagkain ng special na pansit na maraming sahog at gulay. Hindi siya naniniwalang bawal magdala ng pagkain pag galing sa patay. Ang lola niya dati mahilig magdala kaya ayon paminsan-minsan nagagawa niya. Sabi nga nila Lola knows best. Hindi din niya pinatawad ang malamig niyang kanin na mula pa kaninang umaga. Mas lalo siyang nagugutom dahil na e-stress siya sa mga isiping hindi naman dapat. Nang mabusog ay naghugas na rin siya ng pinagkainan bago nag halfbath sa maliit niyang banyo. Ngayon lang niya napapansin na oily na pala ang kanyang mukha mula pa kanina. Mabuti nalang ay hindi masyadong

