Mahina siyang nagpasalamat ng pagpasok niya sa loob ng bahay ay buo pa naman ang lahat. Walang nawala..Sabagay ay wala namang mananakaw sa bahay na iyon unless kaya nitong buhatin ang kutson niyang ilang dekada na. Kasing edad lang yata niya iyon dahil sa kalumaan. Winalis niya sandali ang mga alikabok at inayos ang mga gamit na naiwan. Naglinis naman siya bago umalis pero ganon talaga ang bahay kapag hindi tinitirhan. Nadudumi kaya kailangan linisin ulit. Papalitan niya ng bed sheet ang kutson at ang kurtina sa kwarto. May mga naiwan naman yatang kurtina ang lola niya sa ilalim ng baul nito. Tahimik lang siyang naglilinis at nagwawalis hanggang sa maayos na para sa kanyang paningin. Pagkatapos niyang magwalis ay hinanap niya ang susi sa damitan ng kanyang lola. Mabuti nalang ay itinag

