Nagising si Mardy na puti ang lahat ng nakikita. Mula sa kisame hanggang sa dingding mg kwarto. Patay na ba ako? Napabalikwas siya ng bangon para lang mabigla nang may sumurot na sakit sa kanyang kamay. May nakatusok pala doong IV fluid sa kamay niya at doon lang din napansin ni Mardy na nakasuot siya ng hospital gown. Nilibot niya ang tingin sa kabuua ng silid. Malaki maluwang at may sariling refrigerator. May isang connecting room din para yata sa mga nagbabantay sa pasyente. Noon naman bumukas ang pinto at pumasok si Gunter na mabilis na naglakad palapit sa kanyang gawi. "Hey, thank God you're awake!" tila nakahinga ito ng maluwag. "Gunter..bakit nandito ako sa hospital?" "You suddenly passed out. Sobrang nag alala ako sa'yo at si Harry iyak ng iyak!" "Si Harry? Nasaan si Ha

