Walang ibang ginawa si Mardy sa loob ng sasakyan ni Gunter kundi huminga ng malalim. Matapos siya nitong sabihan ng kung ano-ano ay parang walang nangyari na pinaandar nito ang sasakyan at umalis sa lugar nila. Pati paglingon ay hindi niya ginawa dahil hanggang sa mga sandaling iyon ay nag iinit parin ang kanyang pisngi. Kanina lang ay tila naubusan siya ng hininga ng marinig ang sinabi nito. Hindi mawala sa isip niya pero ayaw niyang paniwalaan. Letche! Kahit ayaw niyang isipin ay parang sipon na pabalik-balik sa kanyang balintataw ang imahi nila ni Gunter na naghahalikan! Diyos mio marimar! Nababaliw na talaga siya dahil wala naman siguro siyang gusto sa lalaking ito, ano? Hindi pa siya nagkakagusto sa isang lalaki kahit kailan at wala pa siyang balak pero mula nang mag krus ang lan

