Ang usapan nilang ihahatid siya ni Gunter sa bahay niya kanina ay hindi nangyari. Paano ay biglang lumakas ang ulan na parang binuhos na yata lahat ng tubig mula sa langit dahil ambilis bumaha sa daan. Ilang oras lang ang lumipas at hindi na madaanan ang mga kalsada dahil sa malakas ang agos ng baha ayon sa balitang nakita nila sa TV na nasa living room ng bahay. "It is dangerous if we force our way through the flood. Baka bukod sa traffic ay hindi din tayo makakaalis sa tubig dahil may part na malalim." ani Gunter na nakatunghay sa labas ng glass window. Samantalang siya ay nakatutok ang mata sa flat screen TV. Wala na siyang ibang naiintindihan sa balita kundi baha at malakas ang ulan dahil sa bagyo. Kaya ibig sabihin ay hindi siya makakauwi. Mantakin niyang kanina lang ay sobrang ini

