Wala nang bagyo, tumila na din ang ulan at nagpakita na si haring araw. Ibig sabihin ay pwede nang umuwi si Mardy sa bahay niya. May mga kailangan pa siyang ayusin at gagawin upang tuluyan na siyang manirahan muna sa bahay ni Gunter pansamantala. Pansamantala dahil siguradong hindi naman siya magtatagal. Sa oras na dumating ang asawa nito ay babalik na ulit siya sa dati. O di kaya'y kapag magsawa na ito sa katawan niya. Alin man sa dalawa ay parehas parin ang kahihinatnan. Tulog pa si Gunter kaya nagmadali na siyang bumangon. Dalawang araw din silang nakulong sa condo nito at wala silang ginawa kundi maglampungan at maglandian. Nakakatawang isipin na ganon kabilis ang lahat. Noong isang araw lang ay halos hindi niya masalubong ang tingin nito, ngayon ay katabi na niya ang lalaki sa pagt

