Kukurap, pipikit, kukurap ulit. Mga bente minutos nang ginagawa ni Mardy iyon habang nakatunghay sa ibabaw ng puting kisame. Ni wala siyang kilos kahit kaunti at wala ring salitang namutawi sa bibig niya. Ni paglingon sa katabi ay hindi niya ginawa, sa takot na makumpirma ang kagagahan niya sa nagdaang gabi. Paulit-ulit bumabalik sa kanyang isipan ang mga nangyari na parang panaginip lang iyon pero alam niyang totoo. Saka lang niya naisipang lumingon ng marinig ang mahinang ungol galing sa katabing lalaki na kakagising lang. Gustuhin man niyang ipikit ulit ang mata upang magpanggap na hindi pa gising ay huli na dahil nakita na siya nito. "What a beautiful sight to start my morning." tunog bagong gising na sabi ni Gunter sa kanya. Inunan pa nito ang isang kamay sa likod ng ulo at nakatu

