Maraming mga babae ang naghahangad ng label. Ano nga ba ang sinasabing ‘label’? Para ba masabing kayo nga? Para may panghahawakan kang titulo kapag may umagrabyado o umagaw sa minamahal mo? Bakit kailangan ng label? Hindi ba puwedeng kayo pero parang hindi? Nag I love you, I miss you, kain ka na, ingat ka, mami-miss kita, at kung ano-ano pang sweet messages. Pero para saan? Hindi naman kayo. Well, normal sa friends na same s*x ‘yan kung babae. Hindi sa pagiging judgemental pero iba ang meaning ‘pag opposite s*x na ang nagsabi niyan. Sabi nila ang label ay paglilinaw na pagmamay-ari mo ang kapareha o kapareho mo. Lalo pa kung marami na silang pinagsaluhan ng kanilang kasintahan. Kailangan may label para alam na pag-aari mo nga. Marami namang may label naghihiwalay rin. Kung ang mga kasal

