"Siya nga pala. Your wedding is near and I want you to file your vacation leave para naman makapag-relax kayo before your wedding day." basag ni Oli sa katahimikan. Nanlaki naman ang mga mata ni Jewel sa narinig. "Mom? Didn't we talk about this?" saad niya sa pagkabigla. Ngayon pa ba namang nandito si Arch ay i-oopen pa niya ang topic na iyon. "What's wrong?" saad nito at napatingin naman si Joel sa dalawa. Alam niyang hindi magpapaawat si Oli. "Mom?" saad niya. Alam niyang nang-iinis ito pero it's not right para hiyain si Arch. "Why? May mali ba sa sinabi ko?" pagkasabi nito ay kumuha ito ng invitation at ini-abot kay Arch. "Here, Hijo. You can come to their wedding." natuod ang binata sa ginawa ni Oli. Parang sinampal nang sampung beses ang pakiramdam ni Arch. "Mom!" inis na saad m

