"Ikaw kasi. Bakit ba kasi lumabas ka ng kwarto?" saad ni Kulas nang may paninisi pa sa dalaga. "Ako talaga? Anong ako? Ikaw nga riyan. Ang tagal mong bumalik. Sabi mo e kukuha ka lang ng damit." pagtatalo ng dalawa kung sino ang may kasalanan. "Eh, sana naghintay ka." saka humalikipkip naman ang dalaga. "Ay ewan sa ‘yo, Nicholas. Basta ikaw ang may kasalanan kapag ikinasal tayo nang wala sa oras." saad nito. "Oh, come on. You're not worried? Whatever my mom says, she will do it. So better be ready to be my wife." pang-uuyam nito. Animo'y laro ang napasok nila na may napikon at nag-asaran na lang. "Sa’n ka pupunta?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Kulas nang makita niyang lalabas ng pinto si Lizette. "Uuwi na. Tss." sagot naman nito na hindi alintana ang suot na damit. "With that

