Magkahalong kaba, excitement at saya ang nararamdaman ni Jewel ngayon. Hindi niya alam kung normal pa ba ang t***k ng puso niya pero pakiramdam niya ay parang lalabas na ang puso niya. Tahimik naman ang binata at tila malalim ang iniisip kaya't hindi nito napapansin ang expression ng mukha niya. Alam ng dalaga na pulang-pula na siya ngayon. Maka-date pa lang ang binatang ito ay dream come true na. What more na nakasayaw pa niya ito. "And soon wedding na..." napapangiting saad niya sa isipan niya sabay iling. "Nope. Impossible... Ilang beses ko na siyang nadidisgrasya sa pagka-clumsy ko. I'm sure na turn off na siya sa akin. Napanguso na lamang siya sa naisip. Hindi naman niya namalayang nakatitig na pala si Manuel sa kanya. "She looks so fragile... I don't know how to start. But... I th

