"Lianne, are you sure na may babalikan ka pa? You can stay longer if you want. Walang pumipigil sa ‘yo." saad ni Lizette.
"I know naman na wala na… But I at least want to try. Masaktan na ang dapat masaktan. I still love him to death. I can't live without him." sagot naman ni Lianne habang nakahalukipkip sa tapat ng glass window ng opisina ni Lizette.
"You can't live without him? Are you even hearing what you are saying? E iniwan mo na nga siya a few years ago. Tss. Make up your mind, girl. Maraming nagkakandarapa sa ‘yo yet you still want him. Gusto mo pang isiksik ang sarili mo sa kanya?" taas ang kilay na inihinto nito ang pagsusulat.
"Aray naman sa isiksik. Preno rin bff, puwede? Don't worry. Kapag sinabi niyang ayaw na niya sa akin ay lalayo ako. Kapag sinabi niyang may iba na siya then I will let him go. I will not hold on to someone who cannot love me back." nag-iinit na ang mga matang saad niya habang nakatanaw pa rin sa bintana.
Nagbabadya na naman ang mga luhang kanina pa niya nais pakawalan. Pero hindi niya puwedeng ipakita na naiiyak na naman siya. Simula nang magdesisyon siyang iwan ang lalaking pinakamamahal niya para sa mga magulang niya ay nagpakatatag siya. She never wanted to leave him yet she needs to… for her future.
And now na ganap na siyang abogado ay gusto niya itong balikan. Hindi niya alam kung may babalikan pa siya but as far as she knows ay wala pang ibang naging kasintahan ito bukod sa kanya. Lumayo man siya noon pero hindi ang puso niya. Never in a day na hindi niya ito naisip. But she decided to shut down all the communications they have. Including common friends.
"That's the truth, Lianne. Whether you like it or not, you should stay away from him kung ayaw mong mas masaktan." harsh man magsalita ang bestfriend niya pero it's for her own sake naman.
Kahit noon pa man ay ganito na ito sa kanya. Kaya nga abogado ang pinili nitong propesyon. And her best friend knows everything about her including her ex-boyfriend. High school pa lang sila noon ay magkasama na sila. And Lizette knows kung paano nito ipinaglaban si Arch sa mga magulang nito. Pero mahal na mahal siya ni Lizette and lagi itong nandiyan para damayan siya kahit pa nagpapakatanga na siya.
"I can feel na mahal niya pa rin ako..." mahinang saad niya.
"Yeah, right. Ilang years na..." sagot naman ni Lizette. Alam niyang concern lang ito sa kanya kaya ganoon na lang kung humadlang ito.
"Kung hindi na niya ako mahal... Bakit single pa rin siya hanggang ngayon?" saad pa ni Lianne. Kaya rin malakas ang loob niyang balikan ito.
“What's his reason sa pagiging single kung hindi na niya ako mahal?” sabi niya sa isip niya. Tumahimik na lang si Lizette. Alam niyang hindi ito magpapatalo sa kanya.
Mapa-academics man or decisions in life ay talaga namang subok na niya ito. Kaya nitong makipagsabayan sa magagaling. Maliban na nga lang ang puso nito na kay Arch pa rin tumitibok. Matapos ang maghapong pagtatrabaho ay sumaglit sila sa isang restaurant para mag-dinner. Ganoon lang ang buhay nila.
Work. Eat. Nightlife. Sleep. Work. Eat. Nightlife. Sleep.
Simula nang mawala siya sa puder ng mga magulang niya ay wala nang kumokontrol sa buhay niya. Wala maliban kay Lizette. Her partners in crime. Walang iwanan ‘ika nga. Kahit na ano pa ang mangyari.
Matapos ang mahabang araw nang pagtatrabaho ay busy naman si Manuel sa pag-aayos ng gamit niya. It's friday and as usual ay sa house ng parents niya siya mag-stay. Katulad ng nakagawian ay magkakasama silang magkakapatid na bibisita sa magulang nila.
"Hi mom!" bati nito sabay hakbang papalapit sa Ginang na kasalukuyang nagsasalo-salo sa hapunan.
"Am I late?" tanong pa niya at lumapit naman sa kanyang Ama para humalik din matapos humalik sa pisngi ng kanyang Ina.
"Yes, Bro. You're late. Naubos na namin ang buttered garlic shrimp na paborito mo." pilyong sagot ni Macoy. Kinurot naman kaagad siya sa tagiliran ng kanyang asawang si Yvette.
"Aray. Ikaw love ha. Kakatapos lang natin kanina." bulong nito sa asawa sapat para ito lang ang makarinig. Kaya naman mas lalo pa nitong kinurot si Macoy.
"Aray talaga." hiyaw nito na napalakas kaya naman narinig ng kanyang Ina.
"Bakit, Iho?" nag-aalalang tanong ni Martha.
"Ah... Eh... Wala, Mom. May langgam yatang kumagat sa 'kin." pagsisinungaling niya sabay lingon kay Yvette. Nginitian lang siya ni Yvette nang nakakaloko saka muling humarap sa pagkain.
"Langgam? Kalilinis ko lang before tayo mag-dinner, ah. How did the ant discover that we're having our dinner?" malokong saad naman ni Martha nang mapagtanto na nagkukulitan lang pala ang mag-asawa.
"Who ate my part?" nakakunot ang noong tanong ni Manuel nang makabuwelo sa pagsasalita.
"Me." saka nakalolokong ngumisi si Rick. Pero ang totoo ay pinaglalaruan lang nila ito dahil alam nilang paboritong pagkain ito ng kapatid nila.
"Nako, kayo talaga. Pinaglaruan niyo na naman si Manuel." saad naman ni Ferdinand.
"Nuel, Iho. Sorry. I finished everything. Ang sarap kasing magluto ng mommy mo. The best!" saad nitong muli.
Saka humagalpak sa tawa ang bawat isa maliban kay Manuel. Paano'y kung sino ang late na darating ay siyang ipa-prank ng pamilya. Hindi pa rin nasanay si Manuel dahil sa pagka-busy sa work ay lagi itong seryoso sa lahat ng bagay.
"It's okay, Dad. Busog pa naman ako. I'll just eat later." seryosong saad nito. Akmang hahakbang na siya palayo sa hapag nang makasalubong si Manang. Ang kasambahay nila.
"Oh, Iho? Sa’n ka pupunta?" saad ng nakakunot ang noo na si Manang. Bitbit ang tray ng buttered garlic shrimp.
"Ang tagal niyo po kasing ihain ang paborito kong ulam kaya susunduin na sana kita." biro nito sabay kuha sa hawak ng matanda. Napahampas naman si Manang sa braso nito nang mahina.
“Ikaw talaga, Iho.” saad nito saka umalis papuntang kusina. Isa si Manuel sa inalagaan niya noong bata pa ito. At napamahal na ito sa kanya.
Amoy na amoy naman ni Manuel ang aroma ng paborito niyang ulam. Napakamot na lang siya sa ulo nang mag-sink in na napaglaruan siya ng pamilya kani-kanina lang. Hindi naman sa slow siya pero parang ganoon na nga ang nangyari.
"Ang bully niyo lahat. You just pranked me." kunwa'y galit na saad niya. Sumeryoso ang lahat dahil sa timpla ni Manuel. Naupo ito sa puwesto niya at saka seryosong tiningnan isa-isa ang mga kapatid at mga hipag. Seryoso ang lahat pati ang mga magulang niya.
"Okay, let's eat." sabay ngiti nang nakakaloko. Nagkatawanan naman ang bawat isa. Wala talagang prank kay Manuel na nakakalusot. Akala ng lahat ay nabiro nila ito. Sila na naman ang naisahan nito. Magaling magtago ng emosyon si Manuel. Hindi siya plastic o mapagpaimbabaw na tao. Nasanay lang siya na ‘wag ipakita ang sariling emosyon.
Yung totoong emosyon. Simula nang iwan siya ng pinakamamahal niya. Nang dahil sa pangarap dito ng mga magulang nito ay naging ganoon na siya. He understood well kung bakit siya iniwan ni Lianne. He knew that she would do that. He just denies the fact that she can do that.
He still believes in a saying that if you really love the person then you should fight for that person. But she didn't. Despite him who tried to fight for it. He even talks to her parents and promised na magtatapos sila pero nagdesisyon itong maghiwalay sila.
And that made him change. Hiding his true emotions. He became an expert after everything that happened. He loves her. He has been loyal to her. But she's loyal to her family the most. She let him go. Lianne let him go. Even if breaking up is the last thing that he thought she would do.
No third-party. No other man. He's not against in fulfilling her dreams but letting go of each other is the last thing that he thought she would ever do. But for her, it's just an easy thing. Family comes first. She loves her family so much enough to let a Manuel Alfonso go. Even if it also breaks her heart...