5.love at first sight.

1141 Words
"sir your mamita is calling. " napakunot ang noo niya, alam niya kung bakit ito tumatawag ngayon. "damn that woman.." bulong niya sa sarili. "yes mamita.. kararating ko lang po sa airport, opo dadaan po ako Jan after ko sa office.. no mamita ang dami ko po munang aaskikasohin pasensya na po. " naiiling siyang binaba ang tawag ng mamita niya.. pinipilit na mag tungo na ito sa kanila para mag usap, kasalanan ng babaeng nagpa kalat na girlfriend daw siya nito.. kaya ang nananahimik na sana niyang buhay ay binulabog ng hindi kilalang babae. napaka lakas ng luob nito, hindi pa niya napapanuod ang buong biyahe dahil sa sobrang pagka busy niya. nag patawag siya ng emergency meeting para ipatigil ang Balita.. "good morning Mr. CEO. " sabi ng isa sa board of directors. tumango lang siya sa mga ito.. niluwagan niya ang pagkaka tali ng necktie niya. "so ano nabura na ba lahat ng video ng babaeng yun? " naka kunot noo niyang baling. "yung iba po, masyado po kasing nag trending ang babae. kaya kalat na kalat na nation wide ang video. " "damn." mura niya. "pero sir hindi niyo po talaga siya girlfriend? " tanong ng lalaki. "are you serious? " kunot noong tanong niya dito. "kasi sir sa totoo lang gumanda po ang image niyo. " nakayukong sabi ng lalaki. "tama sir, ang dami niya pong sinabing magagandang katangian niyo kaya tumaas po bigla ang sales. "anang babae. "halos face out na po lahat ng products natin because of her. " "dapat nga mag pasalamat ka sa girlfriend mo hijo she did a good job, natigil na rin ang haka haka na bakla ka, matanda, pangit, psychopath at iba pang bad image mo. " sabi ng tito Oscar niya. "I like the girl hijo, we need to meet your girlfriend. " sabi ng tita Miya niya. napa awang nalang ang labi niya, nawalan ng sasabihin. **** "find that woman now. " napahawak sa sentido ang binata. pagod na pagod na siya. "matagal na po naming hinanap sir pero mailap po. naka blurred po kasi ang mukha at pinalitan naman ang boses kaya mahirap mahanap. " sabi ni Harry. napatahimik siya.. sumandal siya sa sofa at pumikit. "mukhang makakasal ka ng wala sa oras ah, ilang ulit ka daw niyang binasted at isang taong nanliligaw sa kanya. " bumulwak bigla ang tawa ni Harry. "what? she said that? ang lakas naman ng luob niya. stop laughing idiot. " saway niya sa kaibigan na tawang tawa. "pero seryuso Tristan she really did a good job, pinanuod mo ba ang video? she said na nag do-donate ka daw sa home Orphanage at sponsor ng mga batang nag aaral ng highschool.. sa totoo lang ang laki ng natulong niya sa image mo.. being a womanizer to sweet ang caring, matanda to walang laban ang mga artista sa kisig mo------ naputol ang sasabihin ni Harry dahil bumulwak na naman ito ng tawa. binato naman ito ng unan ng binata. "baby love.. baby Adam. " ginaya pa ng lalaki ang tuno ng pananalita ng babaeng napanuod sa video. "seriously? baby love huh? baby Adam? she called me Adam? " ngunot noo nitong tanong. "just watch the video f*cker." itinapon ng kaibigan ang tablet sa kanya at nasalo naman niya ito. ganyan sila kakulit na mag kaibigan pag sila lang dalawa.. they are childhood friends. "she did a good job pero makakasal ako nito ng wala sa oras. " naiiling na sabi niya sa kaibigan habang pinapanood pa din ng paulit ulit ang video. naka blurred ang video pero nakikita kung gaano ka sexy ang babae sa video. "damn kahit na sexy at maganda pa yan lagot siya sakin. " bulong niya sa sarili. madaming babae narin ang gumawa ng video na nabuntis niya raw to, ang iba naman ay inanakan lang tas biglang iniwan, basta ang daming paninira pero itong isang to parang niligtas pa siya pero sa mamita naman siya lagot.. she like the girl and want to meet her asap pano naman niya ito maihaharap sa mamita niya kung pati siya di siya mahanap? "let's go to Home Orphanage baka totoong volunteer nga siya don. " naisip niyang halos lahat ng sinasabi ng babae ay walang halos kasinungalingan. "talino mo talaga. " tinapik ni Harry ang balikat ng kaibigan. "di ko naisip yan ah. " ngingisihan lang niya ang kaibigan bago sila nagtungo sa lugar. malapit na sila sa Home Orphanage pero na traffic sila. "green light na ah. " sabi niya ng nilibot ang mata sa paligid. "may mga dumadaan pong bulag sir. "sabi ng driver niya na nakatingin sa unahan. medyo malayo sila dito. napatingin siya sa mga estudyanteng sa tingin niya ay mga bulag nga.. may kasama silang babae na pini-piggy back isa isa ang mga batang bulag. napatingin siya sa babaeng takbo, lakad ang ginawa habang pawis na pawis ito. parang hinaplos ang puso niya sa nakita, napaka bait naman ng babae. nang isa nalang ang natira ay madaling madali ang babae sa kakatakbo nito. "ano ba yan bilisan niyo nga. " sigaw ng katapat niyang Vios. "wag na kasing mag aral kung makakasagabal naman kayo sa daan. " sigaw ng BMW. "pasensya na po... pasenya na po talaga. narinig niyang hinging paumanhin ng babae at yumuko pa ito. para siyang na hypnotize hindi mawala ang tingin niya sa napaka gandang babae na pawisan. nakita niya pa itong inabutan ng kung ano ang matandang madre na kasama ng mga bata. "naku hija.. maraming salamat sayo ha.. napaka buti talaga ng puso mo. " narinig niyang sabi ng matanda. "wala po yun, mag iingat po kayo ah.. oh mga bata pag butihin niyo pag aaral niyo ah. " sigaw niya sa mga batang bulag. sunod pa din ang tingin niya sa babae.. nakita niya itong sumakay na sa motorbike nitong nasa gitna pa ng kalsada, hinarang niya ito doon. yumuko uli ang dalaga. "pasensya na po uli. " ngumiti ito ng ubod ng tamis, hindi niya namamalayan naka ngiti na din pala siya. "na love at first sight ata ako. " napakamot sa ulong sabi ni Harry. yun din dapat sasabihin niya, naunahan lang siya ng kumag.. "wait... what did you say? " tanong niya sa kaibigan. "wala." parang kinikilig nitong sabi na napakagat pa sa labi. "she looks familiar. " narinig niyang sabi nalang nang kaibigan. na dapat sasabihin din niya.. palagi siyang nauunahan nito. nag isip siya kung saan nga ba niya nakita ang babaeng mukhang anghel sa ganda at kabaitan.. "I'm doomed. mukhang na love at first sight talaga ako. napapailing siyang napangiti sa sarili. " I'm doomed.. she's an angel. " narinig na naman niyang sinabi ni Harry. wag niyang sabihin na na love at first sight din ito sa babae? nah.. palagi ba silang parehas ng taste ng kaibigan niya? their doomed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD