Adam's POV.
umibis na agad ako ng aking sasakyan ng dumating kami sa Home Orphanage..
pinag masdan ko ang paligid, may kalumaan at kaliitan ang Orphanage na to, may mga batang nag lalaro sa playground.
"Harry, ako ng bahalang mag hanap sa babaeng yon, hintayin niyo nalang ako jan baka matakot pa ang mga bata sa inyo, mukha talaga kayong mga sindikato. " seryuso kong sabi sa mga tauhan ko, habang napasimangot lang ang mga to, mukha naman talaga silang mga sindikato, dahil palagi silang naka suit na black na siyang utos ko naman sa kanila, lahat sila matitipuno at may mga hitsura.
"sindikato talaga boss? " sabi ng isa sa tauhan ko na tinignan pa ang hitsura sa side mirror ng kotse ko.
tinanguan ko lang sila, at pumasok na sa luob.
"excuse me sister, nandito po ba si M.s Tamara Cruz? " tanong ko sa sister na napatigil naman sa paglalakad.
"oo nasa opisina siya ni mother Theresa, dumeretso kalang tas kanan. " tinanguan ko lang siya bilang sagot.
naka bukas ang pinto ng opisina ng mother superior kaya malaya kong nakita ang luob ng opisina nito.
kitang kita ko ang babae na nag re-repack ng kung ano. tila parang nag slow motion ang babae.. nakatagilid ito sa akin pero namukhaan ko, siya yong babaeng tumulong sa mga bulag na estudyante.
my heart is beating so fast and I know I fall for her for a second time..
mas maganda ito sa malapitan.
I clear my throat para ipa alam sa kanya na andito ako.
"excuse me..
" yes? ikaw na ba yong mag a-apply? " nakangiti nitong sabi. lumapit ito sakin at hinila ako.
"bilisan na nating taposin ang mga to, pupunta pa tayo sa ibang Orphanage para ipamigay to. "
"teka miss, hindi ako----
" mister mamaya na tayo mag usap, we need to to finish this, wala ng oras. " kunot noo nitong sabi na hindi man lang ako tinitignan.
nakatunganga lang ako sa kanya.. hindi siya ang pinunta ko dito, I need to meet that woman. and I have no time to help this lady.
"tutunganga ka lang ba jan mister? alam kong maganda ako pero mamaya ka na tumunganga sakin pagkatapos natin dito okay? " seryuso ba siya? may pagka mayabang din pala ang babaeng to. bigla akong napatawa ng malakas.
"may nakakatawa ba?" tumingin na ito sakin habang magka salubong ang makakapal nitong kilay. malaya ko siyang napag masdan dahil sobrang lapit namin sa isa't isa.
siya na ngayon ang nakatulala ng walang kurap sakin..
I clapped my hands in front of her para makuha ang atensyon niya.
I chuckled.. now she realized how handsome I am.
"akala ko ba kailangan ng taposin to? ba't nakatulala ka lang sakin? " nakangisi kong sabi.
she cleared her throat.
"uhmm.. oo nga pala. " medyo lumayo siya sakin at pinag patuloy ang ginagawa.
tinignan ko ang relong pambisig 3 hours na ang nakalipas, kunti nalang din at matatapos namin to. hindi ko maiwasang magnakaw ng tingin sa kanya, she's perfect.. ngayon lang ako humanga sa isang babae.. marami akong nakakasalamuhang magaganda pero iba ang dulot sakin ng babaeng to. she's one of a kind.
napapansin ko din na palagi itong sumusulyap ng tingin sakin na ikinatuwa ko naman.
"hays salamat at tapos na din. " tumayo siya"hintayin mo ko saglit kukuha lang ako ng makakain natin. " ngumiti ito sakin ng matamis na nagpa lambot sa mga tuhod ko.. partida ngiti palang yan pano pa kaya kung sa ibabaw ko na ito naka ngiti.. I feel hard down there, isipin palang yon.. napailing nalang ako.. kung ano anong kamanyakan ang naiisip ko, di naman ako ganito sa mga ibang babae.
nagising ang diwa ko ng biglang mag ring ang phone ko.
"sir, nahanap niyo na ba yong mapapangasawa niyo? " nakakalukong tawa ng kabilang linya.
"yes I think I found the girl I want to marry. " parang wala sa sariling sabi ko.
"seriously? you found Tamara Cruz? pakakasalan mo talaga siya? " gulat na tanong ni Harry na sinabayan pa ng nakakalukong tawa.
"Tamara Cruz? I almost forget that woman." nawala na pala sa isip ko ang ipinunta ko ngayon dito sa Home Orphanage.
"so hindi siya ang tinutokoy mong pakakasalan mo? who is the lucky woman who caught the attention of pihikan like you? " nang aasar na sabi ni Harry.
"the woman we saw earlier.. yong tumulong sa mga batang bulag. "
"really? you met her? wait me there dude gusto ko din siyang makita. " nahalata ko sa boses ng kaibigan ko s***h PA ko na si Harry ang pagka tuwa. wag niyang sabihin na talagang seryuso siya sa sinabi niya kanina na na love at first sight din siya sa babae?
"hindi mo siya kailangang ma meet Harry, may lakad pa kami, mauna na kayo sa office at taposin mo ang trabaho mo. " pa angil kong sabi.
he chuckled. "noted dude. "
pagka baba ko ng phone ko ay siyang pag dating naman ng babae.
"mag snack na muna tayo. " binaba niya ang dalang tray sa table.
tumango lang ako sa kanya.
******
nakakapagod ang araw na to ang dami naming pinuntahan na Orphanage, ewan ko ba kung bakit ko ginagawa to. ilang meetings ko ang na cancel dahil lang sa babaeng to.
what I'm I doing this? nag e-sponsor din naman ako sa mga Orphanage pero not personally I have my staff who did it. pero masarap din pala sa pakiramdam pag ikaw na gumagawa.
nakatingin ako sa kanya ngayon na hindi maputol putol ang ngiti habang binibigay sa mga bata yong mga laruan.. mahahalata mo sa mukha niya ang pagod pero nakangiti pa din ito. she looks like an angel.
alasais na ng makabalik kami sa home Orphanage.
"salamat.. kung wala ka baka hanggang ngayon di parin tapos ipamigay ang mga laruan at pagkain. " nakangiti niyang sabi na nakalapit na pala sakin, busy kasi ako sa phone ko.
wala akong masabi kaya tinanguan ko lang siya.
"800 lang dapat ang sahod mo pero dahil maganda mood ko ngayon dinoble ko yan. " ini abot niya sakin ang sobre.
what? anong tingin niya sakin?
"800 lang dapat sahod ko? nag sayang ako ng ilang oras tapos 800 lang?" ganon ba dapat sahod? hindi ako makapaniwala na ganon pala ka kunti sinasahod.
"mister the minimum salary in metro Manila is 570..dinagdagan ko lang ng 230 tas dinoble ko pa.. ayaw mo pa? " parang naiinis niyang sabi.
"I see.. wag nalang sayo nalang. "
"mister tanggapin mo na yan wala na kong pandagdag jan, hayaan mo next time pag malaki laki na kita ko lalakihan ko din sahod mo.. kaya tanggapin mo na to, bawal tumanggi sa grasya. " sabi niya na hinawakan ang kamay ko at nilagay sa palad ko ang sobre.
wala na akong nagawa kung hindi tanggapin yon, tama nga naman siya bawal tumanggi sa grasya.
"akin na phone mo. " nakalahad ang kamay nitong sabi.
"why? " kunot noo kong sabi. pero binigay ko naman phone ko.
nag tipa siya sa phone ko at ini abot sakin.
"that's my number.. tawagan mo ko para makuha ko number mo. "
"why? " hindi naman sa ayaw ko.. gustong gusto ko pa nga na nakuha ko number niya eh. kaso ang bilis naman ata ng mga pangyayari.
mag kasalubong na naman ang kilay niya. "tatawagan kita pag kailangan ko na naman ng tulong mo, sabi ng friend ko kailangan na kailangan mo daw ng trabaho ah.. bakit ngayon parang ayaw mo na? " nag tataka niyang sabi.
so tingin talaga niya sakin kailangan ko ng part time job? well umaayon sakin ang panahon, gusto kong makita siya ulit.
"oo nga pala. " sabi ko nalang at napakamot sa batok ko." so anong pangalan ang ese-save ko dito?
"Mara." nakangiti niya ng sabi na pati mata niyang magaganda ay nakangiti din.
tinawagan ko ang number niya tas pinatay agad.
"that's my number. "
"anong pangalan ilalagay ko?"
"my name's Adam Santi-----
" Adam?" putol niya sa sasabihin ko.. napangiti siya."kapangalan mo boyfriend ko. " what? sh*t may boyfriend na pala siya? what the.. biglang nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.
"imaginary boyfriend pala. " natatawang sabi niya.
"imaginary boyfriend? " takang tanong ko..
"oo hindi niya alam na boyfriend ko siya ako lang nakaka alam.. na save ko na number mo Adam, sige na umuwi na tayo. " nakangiti niyang sabi.
what's that? anong Sinabi niya? nagkibit balikat nalang ako..
nagpa alam na siya kina mother at lumabas na kami.
"saan ka ba uuwi? gusto mo hatid kita? " pina andar niya ang scooter niya.
"sure kahit sa may sakayan nalang. " nakangiti kong sabi.
binigay niya sakin ang isang helmet at umangkas na ako.
muntik na kong mahulog nong mabilis niyang pinatakbo ang scooter niya.
"what the-----sigaw ko.
" kumapit ka kasi sakin, halatang di ka sanay sumakay ng motor ah. " sigaw niya. paano naman kasi napaka bango niya.. tas saan pa ko hahawak?
"sa bewang ko ikaw kumapit kung ayaw mong mahulog. "
"okay." humawak na nga ako sa bewang niya pero napa yakap ako ng bigla na namang bumilis ang pag papatakbo niya.