Chapter 18

1845 Words
Chapter 18 “Sel, hintay!” tawag ni Jordan kay Selestina pagkatapos nagmamadaling umalis ang dalaga sa cafeteria. Nilingon ni Selestina ang kaibigan. “Dalian mo,” aniya habang sinisilip kung nasaan ang dalawang binata. Wala na sa mesa ang binatang si River ngunit nanataling nakaupo si Third at walang kabuhay-buhay na kumakain. Napabuntonghininga siya. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang lumapit ang dalawa sa kanya. Napapailing siyang naglakad palayo. Ayaw niya ng gulo pero parang gulo ang kusang lumalapit sa kanya. “Hoy! Ano ba ang eksenang ‘yon? Bakit may palapit-lapit ang dalawa sa mesa natin?” usisa na kaagad sa kanya nang makalapit. “Hindi ko alam,” malumanay niyang sagot. “Huh? Talaga ba? Bakit parang alam mo? I mean, bakit ganoon? Hindi magkalapit ang dalawang ’yon pero nang dumating ka, bigla na lang silang nagkalapit ulit. Ano ka ba, magnet?” “Tss,” naasar niyang sabi. “Hindi ko alam. Hindi ko rin talaga alam kung bakit. Ewan ko ba sa dalawang ‘yon at ganoon ang ginawa nila. Basta wala akong alam.” Sabay silang napahinto nang bigla na lang dumausdos mula sa ulo ni Selestina ang spaghetti. Ganoon na lang ang pagtili ni Jordan dahil sa gulat. Mabilis na kumapit ang spaghetti sauce sa suot ni Selestina. Nag-angat siya ng paningin pagkatapos niyang marinig ang masinsinang hagikhikan. Wala siyang nakita ngunit mukhang galing ang ito sa itaas. “Oh my god! Ano na ang gagawin natin? Paano na ang suot? May pamalit ka ba? My god! Sino ba ang mga ‘yon?” tarantang tanong ng kasama ni Selestina. Irita siyang napabuntonghininga. Pinulot niya ang spaghetti na nasa sahig at inayos sa lagayang kasamang nahulog bago itinapon sa malapit na basurahan. Malayo ang locker room pero lalakarin niya iyon. “Magbibihis lang ako,” paalam niya kay Jordan. Kaagad itong tumango. “Uuwi ka ba?” “Hindi,” umiiling na sahit ni Selestina habang naiirita dahil kumapit ang amoy ng spaghetti sa kanyang buhok. “May pamalit ako sa locker. Sakto namang physical education natin ngayon kaya magbibihis ako. Ikaw na ang bahalang magpaalam kay Sir.” Mabilis na tumango si Jordan at nauna ng pumasok habang nagmamartsa paalis dahil sa inis. Naglakad na rin si Selestina. Hindi niya pinansin ang bulung-bulungan habang may nakakasalubong siya. Naiinis siyang kumuha ng pamalit sa locker niya at pumasok sa pinakamalapit na banyo. She washed her hair hanggang sa mawala ang amoy at lagkit ng sauce. Hinubad niya ang kanyang damit. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ng mga nakakita ngunit walang nagtangkang magsalita. Kinuskos niya ang kanyang tshirt sa ilalim ng gripo hanggang sa mawala ang sauce na kumapit at piniga ito. Kumuha siya ng tissue at binasa ito binago pinahid sa kanyang katawan na puno rin ng sauce. Seryoso siyang nakatingin sa kanyang sarili sa salamin. Malaki ang banyo at may salamin habang may iilang stalls ng cr sa loob. Pang-babae ang pinasukan niya kaya wapang siyang pakialam kung maghubad siya. Ang totoo, inis na inis siya. Gusto niyang umuwi pero masyadong istrikto ang instructor nila kaya hindi puwedeng lumiban. Napabuntonghininga siyang nagbihis. Inayos niya ang kanyang buhok na basa at pilit na pinipiga ito. Gusto na talaga niyang umuwi. Narinig niya ang hagikgikan sa labas ng comfort room. “Why are you laughing?” anang boses na pamilyar sa kanya. Si Irish. Naikuyom niya ang kanyang kamao dahil sa inis. “Kanina ka pa masaya, ah? What happened?” “Well, Nakita ko si Ghost habang pababa kami ng hagdan. Sakto namang may dala akong spaghetti kaya sumakto sa ulo niya kasama ang paper plate. Accidents happen, Irish. Nahulog lang talaga siya sa kamay ko at sakto namang sa ulo niya nag-pand,” maarte nitong kuwento. Napangiwi si Selestina. Paano kaya kung sakto lang din na lumanding sa mukha ninyo ang kamay ko? Mga bwisit! Kaagad siyang nagbihis. Mabuti na lang at may dala siyang pantali ng buhok. Piniga niya ito ng maayos. Halos maubos niya ang tissue para lang matuyo ang kanyang buhok. Buntonghininga niya itong tinali ng maayos. Nagbihis din siya ng PE uniform nila. Mabuti na lang at nakabili na siya kaya may pampalit siya kaagad. Naging mabigat na ang kanyang araw dahil sa nangyari. Lalo pa ng matatalim na mga tingin ang ipinukol sa kanya ng kanilang intructor sa kanyang pagpasok sa gym. “Ten rounds,” kaagad na utos nito hindi pa man siya nakakalapit sa grupo. Nilingon niya si Jordan na nag-aalala na nakatingin sa kanya. Nag-good sign ito sa kanya. “Kaya mo ‘yan,” bulong nito sa kanya. Napansin niyang pinagpapawisan ito. Wala siyang nagawa kundi ang sumunod. Hingal na hingal siya pagkatapos. They were paired by five. Kailangan nilang tamaan ang kabilang grupo para manalo. Matatanggal sa grupo ang tatamaan ng bola. Gusto niyang magreklamo. Hindi man lang siya nakapagpahinga. Hinihingal man ay pinilit niya ang sariling kumalma bago magsimula. “Oh, ano ‘yan? Pagod ka na? Takbo pa nga lang ang ginawa mo para ka ng mahihimatay riyan,” taas-kilay na saad ng bakla nilang instructor. Hindi niya alam kung bakit mainit ang ulo nito sa kanya. “Tss,” naasar niyang bulong. “Ay, bumubulong siya, Ma’am!” sumbong ng kanyang kaklase. Pinanliitan niya ito ng mga mata. Mayabang itong ngumisi. “Sipsip,” parinig ni Jordan at kaagad na binato ng bola ang lalaking nagsumbong. Umalingawngaw sa buong gym ang sigaw ng lalaki pagkatapos nitong tamaan sa likod. Galit itong lumingon sa gawi nila. Marami ang nagtawanan. “Sinong bumato?” galit nitong sigaw. Kaagad na tinuro ng mga nakakita si Jordan. Galit na naglakad ang lalaki sa dalaga. “Ang sakit non, ah,” nanlilisik ang mga matang saad nito. Umirap si Jordan. “Psh! Para ‘yon lang iiyak ka? Ang hina ng bato tapos iiyak ka? Nasaktan ka na r’on? Ano ka, bakla?” pang-iinis na tanong ni Jordan. Lalong umugong ang tawanan. Marami ang sumang-ayon sa dalaga. “Right? Ang hina tapos iiyak. Maupo ka na lang doon sa bleacher at manood sa amin maglaro,” anang isa pang lalaki. “Bakla,” pahabol pa nito. “Mag bwisit!” singhal ng tinamaan ng bola sabay balik sa grupo. Nagbanta pa ito kay Jordan na nginisihan lang ng huli. Kaagad na lumapit kay Selestina si Jordan habang nagsasalita ang instructor nila tungkol sa rules ng laro. Napairap na lamang si Selestina. Wala siyang ganang makipagsabayan sa mga ito at naubos na ang kanyang lakas. Nanginginig na ang kanyang mga tuhod dahil napagod siya katatakbo. “Ang daya ng bakla na ‘yan. Pinatakbo ka ba naman ng sampung rounds? Isa lang kami kanina,” kuwento sa kanya ni Jordan. Kaagad na nanlaki ang kanyang mga mata. “Talaga? Bakit sampu sa akin?” nagtataka niyang tanong. Kaya pala hapong-hapo na siya maliban sa mga ito dahil mas marami ang tinakbo niya kaysa sa mga kaklase. Inis niyang binato ng masamang tingin ang bakla nilang guro. “Kaya nga nagtaka ako. Sinabi ko naman na tinapunan ka ng spaghetti kaya ka matatagalan dahil magbibihis ka pa. Hindi niya tinanggap ang rason ko. Sarap kalbuhin, ah,” iritang banta ng dalaga. Napabuntonghininga si Selestina. “Tss. Hayaan na natin. Nagsisimula na naman siyang makalbo, eh.” Napabungisngis ang kanyang kasama dahil sa kanyang sinabi. “You are right. Tingnan mo nga naman, mukhang ilang months ay mawawalan na ’yan ng buhok,” tumatawa pa nitong sabi. “Anong pinagchichismisan ninyo riyan sa likod?” nanlalaki ang mga matang tanong ng kanilang guro. Kaagad na huminto sa pag-uusap sina sina Selestina at Jordan. “Ang dami ko ng sinabi hindi kayo nakikinig. Hindi porke at matatalino kayo ay piwede na kayong magchslismisan sa klase ko!” sigaw pa nito. Napangiwi si Selestina sa kanyang isipan. Kanina pa sila nakatayo rito at ito naman ang nagsimulang makipagchismisan sa mga estudyante na nasa harap. Walk the talk. Napansin niyang anay ang paglingon nito sa mga higher students na naglalaro ng basketball. Inis siyang bumuntonghininga. Kaya pala palaging may pakulo ito tuwing may practice ang varsity dahil nagpapapansin pala ang bakla. Hindi na ito makapukos sa kanilang ginagawa. Kaagad na nagsimula ang kanyang batuhan ng bola. Panay ang pag-ilag ni Selestina dahil ayaw niyang matamaan dahil alam niyang masakit. Napansin kasi niyang nagiging malakas ang pagbato ng kalaban. Nilingon niya si Jordan na hingal na hingal dahil sa pag-ilag. “Hinaan n’yo nga ang pagbato?” inis nitong reklamo. “Nagrereklamo ka?” pang-aasar sa kanya ng binato niya kanina. “Nye! Nye!” “Tigilan n’yo nga ‘yan at baka magka-inlaban pa kayo,” tukso ni Selestina sa dalawa. Sabay na nanlaki ang mga mata ng dalawa hanggang sa tinukso na nga sila ng tinukso. Napapagod siyang napaupo matapos ang nakakapagod naman talaga nilang laro. “God!” iritableng sambit ng kanyang kaibigan habang paupo ito malapit sa kanya. “Nakakapagod!” dagdag pa nitong reklamo. Ininguso niya ang kanilang guro na nandoon sa mga varsity players na nagpapahinga. Halos mapunit ang labi nito kangingiti. Lumalabas pa ang inner gums nito kaya ang pangit tingnan. “Yuck! Tingnan mo nga ‘yong mukha niya? Para siyang tanga. Ano ba ang tingin niya sa mga iyan, papatol sa kanya? Ang pangit niya, ha,” nandiriri nitong sabi. “Ew! Kadiri ang ginagawa niyang pagpapapansin. Isumbong kaya natin? I can’t stand people like that. Walang dignidad. Walang respeto sa sarili. Sus, Ginoo!” kinikilabutan niyang sambit. Natawa siya ng bahagya. “Hayaan na natin dahil mukhang personality na niya ang ganiyan.” Napangiwi ang kausap. “Ginawa niyang personality ang kamanyakan.” Nanginginig pa ito na animo ay kinikilabutan sa nakikita. Tumingala siya sa kisame ng gym at huminga nang malalim. “Ang sakit ng paa ko, eh,” reklamo niya. “I know. Ikaw ba naman patakbuhin ng sampung beses. Nababaliw na talaga ang bakla na ‘yan. Sampung beses? Siya kaya ang patakbuhin natin ng sampung beses paikot dito, no? Tingnan natin kung hindi lalabas ang baga niya sa sobrang hingal. Penepersonal ka na, ah,” hindi mapigilan na komento ng dalaga. “Tss. Ang dami ng imagination mo. Hayaan na natin. Napagod lang talaga ko.” “Ano na pala ang nangyari sa damit mo? Tinapon mo na?” Umiling siya. “Nasa locker ko. Lalabhan ko na lang mamaya. Mabuti na lang at lunch break na natin.” “Kaya nga. Nakakapagod din ang ginawa natin. Nakakapagod na nakakapangit.” Nagugulat niya itong nilingon. “Pinagsasabi mo?” nagtataka niyang tanong. “Girl, ikaw ba naman ang hingalin katatakbo at kakaiwas sa bola? Papangit ka talaga. Lalaki ang butas ng ilong mo tapos paano kung nandiyan ang crush ko? Nakakapangit talaga,” nakangiwi nitong sabi. Natawa si Selestina. “Tss. Para ‘yon lang?” “Oo na! Palibhasa virgin.” “Hoy!” “Palibhasa hindi ka pa nakaranas na magka-crush dahil bading ka rin naman.” “Pinagsasabi mo?” “Hahaha! Wala! Iniinis ka lang. Ang slow mo naman.” “Tss.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD