bc

Ghost of You

book_age16+
100
FOLLOW
1K
READ
dominant
kickass heroine
dare to love and hate
student
heir/heiress
mystery
city
substitute
like
intro-logo
Blurb

Sa edad na labing-walo ay nagsusumikap na si Selestina upang masuklian ang mga sakripisyo ng kanyang pamilya para sa kanya. She attended the University of Bohol as an exchange student, a prestigious school in the City.

Hindi naman niya aakalaing sa kanyang paglipat ng eskuwelahan ay makikilala niya ang lalaking gugulo sa kanyang pagkatao. Sa katauhan ni Third Allistair Marrazi, labing-siyam na taong gulang at nag-aaral sa naturang Unibersidad.

Hindi siya tinantanan ng binata at dahil sa mga sinasabi nito ay dumating sa puntong kinuwestiyon niya ang kanyang pagkakakilanlan. She digs up her past, to know the truth and to know her story. While doing those things to attain her identity, hindi niya namamalayang nahuhulog na pala siya sa binata. Her love was reciprocated, she thought.

Ngunit paano niya tatanggapin ang pagmamahal ng binata kung kapag magkaharap sila ay ibang pangalan ang sinasambit nito? Paano niya mamahalin ang lalaki kung hindi nito makita at matanggap ang totoong siya?

Makakayanan kaya ni Selestina ang mga rebelasyong mabubunyag sa paghahanap niya sa kanyang tunay na pagkakakilalan? O tatanggapin niya ang ibinibintang sa kanya na isa siyang impostor?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 Bumuntonghininga si Selestina pagkababa niya ng kanyang sinasakyang jeep. Tiningala niya ang nagtataasang gusali sa kanyang harapan. Kaagad siyang napangiti dahil sa wakas ay matutupad na ang kanyang pangarap. Ang makapag-aral sa isang magandang eskuwelahan. Kaagad siyang naglakad papunta sa main gate. Abala ang ibang mga mag-aaral sa pag-swipe ng kani-kanilang mga student identification card. Pinagmasdan niya ang mga ginagawa nang mga nauna sa kanya. Sumunod siya sa mga ito. Hindi niya alintana ang magulo niyang buhok. Ayos lang iyon sa kanya. Sanay naman siya sa pamumuhay sa bukid at wala siyang pakialam kung ano ang hitsura niya. Ang importante ay ang makapag-aral siya. Iyon ang kanyang goal sa buhay. Nang makapasok ay kaagad siyang nagtungo sa Registrar Office upang sabihin ang kanyang pakay. Kaagad naman siyang inasikaso ng mga ito. Sinabihan siyang umakyat sa ikalawang palapag ng H building at hanapin si Mrs. Vivian Castro, ang Dean ng Pharmacy Department. “Good morning po!” nakangiting bati ni Selestina sa babaeng nakaupo sa harap ng computer nito habang may binabasa. Sa hitsura nito at tantiya niyang nasa singkuwenta na ang Ginang. “Oh, ito na pala si Ms. Alturas,” nakangiting bungad nito sa kanya. “Halika at maupo,” tawag nito sa kanya bago iminuwestra ng Ginang ang isang upuan sa harap nito. Naupo naman siya roon at humarap sa babae. Ibinigay niya rito ang kanyang mga papeles. Lahat ng kanyang credentials ay dala niya. Pansin niyang tumataas ang sulok ng labi ng Ginang habang binabasa nito ang kanyang school records and achievements. “You’re quite good, Ms. Alturas.” “Thank you po, Ma’am,” nakangiting usal niya. Sinabihan siya nito kung nasaan ang room niya. Every hour ay magpapalit siya ng room dahil paiba-iba ang Profesor nila kada subject. Napansin niyang medyo may kalayuan ang susunod niyang subject dahil sa kabilang building pa iyon. Ngumiti siya upang pagaanin ang kanyang loob. Bago pa lang siya kaya hindi siya puwedeng panghinaan ng loob. Kailangan niyang isipin ang kanyang goal upang mas pagbutihin niya pa ang pag-aaral. Binaybay niya ang hallway papunta sa kanyang room. There were quite a few students chitchatting while the others are busy looking on their phone. Huminga siya nang maluwag upang iwaksi ang kabang kanyang naramdaman. Kaagad siyang pumasok sa naturang room ngunit gusto niya na kaagad na lumabas. Nakuha niya ang atensiyon ng mga naroon. Nakanganga ito sa kanya na para bang isa siyang multo. The horror looks on their face is evident enough for her to be scared too. Hindi niya alam kung paano mag-react sa sitwasyon niya. She composed herself at naglakad na papunta sa isang bakanteng upuan. She doesn’t want to make any commotion. Maraming bulung-bulungan ang kanyang naririnig kaya naman kaagad niyang tinakpan ang kanyang tainga. Naririndi siya. “I’m freaking out!” “Baka ghost ‘yan!” “Hala! Baka minumulto tayo?” “Oh no!” “Manahimik kayo!” Kaagad nawala ang mga maiingay na sinasabi ng lahat. Hindj naman siya mapakali dahil wala naman siyang ginagawa ngunit pakiramdam niya ay may nagawa siyang kasalanan. “Good morning, Class!” Nagulat siya dahil sa lakas ng boses na iyon. Walang sumagot at nang mag-angat siya ng kanyang paningin ay nasa kanya ang atensiyon ng kapapasok lang na lalaki. He made his way down to her. Hindi niya inalis ang paningin sa lalaki. “Ano ba ang ginagawa mo?” nahihintakutang tanong niya rito nang maupo ito sa kanyang harapan. “You look familiar,” komento ng lalaki kaya naman napataas ang kanyang kilay. “Huh?” natatawang tanong niya rito. “Seriously, you look the same,” dagdag pa nito habang sinusuri ang kanyang mukha. “You look like her. Maybe you are her?” patanong nitong sabi habang nakatitig sa kanya. “Tsk!” singhal ni Selestina bago umirap. Pag-aaral lang naman ang gusto niya pero mukhang mahahaluan pa ito ng kadramahan ng iba. “Seryoso ba ‘yan? Baka naman namamalikmata ka lang,” aniya. Hindi nakuhang ngumiti ng kaharap ni Selestina dahil sa sinabi niya. Mas lalo lang itong tumitig sa kanya. “What? Do I sound like someone?” nakataas ang kilay na tanong ni Selestina. Hindi sumagot ang lalaki bagkus ay tumayo ito at lumayo sa kanya. Hindi man nito pinaliwanag ang mga sinabi kanina. Bumuntonghininga siya bago umayos ng upo dahil malapit nang magsimula ang klase. Ayaw niyang gumawa ng gulo. Ayaw rin naman niya ma-bully kaya naman as much as possible ay lalayo siya sa gulo. Ilang oras ang lumipas at nakatapos ang pang-umagang klase ni Selestina. Naisipan niyang pumunta sa cafeteria dahil nakaramdam siya ng gutom. Kaagad siyang naglakad pabalik sa kanilang classroom dahil doon niya naisipang kumain. She was humming songs and melodies. She was walking down the hallway when someone grab her arm. Halos mabalibag siya dahil sa lakas niyon. Natapon sa sahig ang binili niyang spaghetti. Her juice was spilled-off onto the floor. “Why are you here?” malamig ang boses na tanong sa kanya ng lalaking hindi niya kilala. Nagtaka siya dahil marami na kaagad ang nakatingin sa kanila. She felt her blood boil because of anger. Binawi niya ang kanyang braso sa lalaki at matagal itong tinitigan sa mga mata. “Hindi kita kilala kaya huwag kang umastang magkakilala tayo,” matigas niyang sabi sa pagmumukha nito. Tumaas ang sulok ng labi ng kaharap ni Selestina. Tiningnan niya ang kanyang pagkain. Nanlulumo siya habang pinagmamasdan itong inapak-apakan ng ilan. Mabuti na lang at palapit sa kanila ang isanh janitress kaya siya na ang nagwalis ng kalat sa sahig. “Seriously? Stop acting like you don’t know me!” malakas na singhal sa kanyang ng lalaki kaya kaagad niyang inilayo ang kanyang mukha rito. Pakiramdam niya kasi ay tumalsik ang laway nito sa katawan niya. Nandidiri niya itong tinapunan nang masamang tingin. “Seryoso? May sakit ka ba? Sino ka ba, huh?” galit na niyang tanong sa lalaki. Nagugutom siya at inuubos nito ang kanyang pasensiya. “I am Third,” pakilala nito. “Oh? Tapos?” walang ganang tanong ni Selestina. “What?” “Ano na? Ikaw si Third. So?” nandidilat na tanong ni Selestina. Lahat ng naroon ay napapasinghap dahil sa paraan nang pagkausap niya sa lalaki. Hindi niya ito kilala at wala siyang balak na kilalanin ito. “Don’t act like you forgot what you did to me!” “Umalis ka nga sa harap ko! Ano ba’ng pinagsasabi mo?” naiinis niyang tanong. “Puwede ba? Maghanap ka nang mapaglalaruang iba! Huwag ako at abala ako sa pag-aaral ko!” Kaagad niyang tinalikuran ang lalaki at mabilis siyang pumasok sa kanyang classroom. Nanhinginig ang kanyang kalamnan dahil sa inis. Gutom siya at nasayang pa ang pera niya. Hindi na lang siya kumain dahil kailangan niyang magtipid ng pera.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook