Chapter 2

1073 Words
Chapter 2 Umayos ng upo si Third habang nasa guidance office siya. Nakayuko lang siya habang pinaglalaruan ang kanyang mga daliri. Naroon na naman siya dahil sa sumbong ng isa sa mga estudyante. “Bakit ba hindi ka umayos? Pag-aaral lang naman ang kailangan mong gawin, Third!” malakas na sermon ng kanyang ina. Hindi na siya nagulat. Ganoon naman palagi. “Umayos ka kung ayaw mong ipatapon kita sa ibang bansa!” banta pa nito sa kanya. Umismid lang siya ngunit kaagad iyong napawi dahil nakatanggap siya nang batok mula sa kanyang ina. Nandidilat itong nagsusumamo sa kanya na sana ay ayusin niya ang kanyang buhay. “I’m going,” walang ganang paalam niya. Tumayo siya at nag-inat. Yumuko siya ulit dahil sa hiya nang marinig niyang bumukas ang pinto ng opisina ng kanyang ina. May pumasok ngunit hindi niya iyon tiningnan bagkus ay naglakad siya palabas. His eyes dilated as a woman passed by him and her scent is too familiar. Kaagad siyang lumingon upang tingnan kung sino iyon. He was surprised to see Celestine walking towards his mother. Hindi niya namalayang nakanganga siya nang iilang minuto habang nakatitig kay Celestine. But Celestine is not in this world anymore. But this woman acts and smiled like her. Ang paraan nang pagkakatali ng buhok nito ay tugmang-tugma kay Celestine. Kinilabutan siya sa nakita kaya mabilis siyang lumabas. He was so scared he thought he might piss his pants. Kaagad siyang pumasok sa isang comfort room doon at naghilamos. Maybe she’s her to haunt him because of his past deeds that caused her trauma? Umiling-iling siya habang tahimik na nagdarasal na sana ay namamalikmata lang siya kanina. Alam niyang may klase siya ngunit dahil sa napagalitan siya kanina ay nawalan na siya ng ganang pumasok. Alam niyang maririndi na naman siya sa boses ng kanyang ina kapag nalaman nitong hindi na naman siya pumasok. “Bahala na,” aniya sa sarili. Tumambay siya sa gazebo sa harap ng room nila. Ganoon siya kawalang pakialam sa paligid at sa sasabihin ng iba. Tiningnan niya ang kanyang cellphone at ang nag-iisang litratong naroon. Ilang taon na iyong nasa kanya. Iyon na lang ang tanging alaalang naiwan sa kanya ng dalagang si Celestine. Naalala na naman niya ang babae kanina. Ilang beses siyang umiling dahil alam niyang imposibleng si Celestine iyon. Naalala niya pa ang huling gabing magkasama sila ng dalaga. “Babe!” Kumaway-kaway ang dalagang si Celestine kay Third nang pababa ito sa sinasakyang van. Kagagaling lang nito sa outing kasama ng pamilya nito. “Hi! I missed you,” aniya bago ito hinalikan sa pisngi. “I miss you, too,” nakangiti nitong usal. Naglakad sila papuntang Pizza hut dahil gusto ng dalaga na kumain ng pizza. She craved for it then he will give it to her. Ganoon niya ito kamahal. Gagawin niya ang lahat ng gusto nito at ibibigay niya ang mga kailangan nito. “Kamusta ang lakad ninyo?” usisa ni Ghird sa dalaga. Ngumiti ito bago sumagot sa kanya. “Good! Ang saya!” Halata sa boses nito ang saya. Nangingislap din ang mga mata ng dalaga. Kahit pansin niyang pagod ito ay hindi naman nito iyon ipinapakita sa kanya. “Good to hear that you enjoyed your trip,” komento ni Third. Tumango naman ang nobya sa kanya. “Ikaw? Kamusta ang family date ninyo?” Pilit siyang ngumiti nang marinig ang tanong nito. “Same as always,” walang ganag sagot niya. Nagsasagutan na naman kasi ang mga magulang niya kanina kaya naman mas pinili niyang umalis na lang at makopagkita sa nobya. “Nag-aaway na naman ba sila?” malungkot nitong tanong sa kanya. Tumango siya. “Let’s not talk about them. It will only ruin the mood,” aniya. “Hmm.” Pinagsalikop ng dalaga ang kanilang mga kamay. Ramdam niya ang init ng mga kamay nito. He eas smitten by her beautiful smile and bubbly attitude. Magaan ang pakiramdam niya kapag kasama niya ang dalaga. He was startled when the bell rung. Nagpalinga-linga siya upang tingnan kung may nakakita sa pagkagulat niya. Inayos niya ang suot na uniporme at malakas na tumikhim. Pakiramdam niya ay may nakatingin sa kanya kaya naman tiningnan niya ang room nila na nasa second floor. Nabigla siya nang makitang nakatingin sa gawi niya ang dalagang nakita kanina. He knows for sure it’s Celestine dahil sa paraan nang pagtitig nito sa kanya ay kilala siya nito. Mabilis siyang naglakad paakyat habang naiinis. Natatakot siya sa inaasta ng babae. Kaagad njyang dinaklot ang braso nito nang makita niya itong naglalakad. Hindi niya napansing may hawak itong pagkain kaya naman natapon iyon sa sahig. “Why are you here?” malamig na tanong ni Third sa dalaga. Kumunot ang noo njto sa kanya. “Hindi kita kilala kaya huwag kang umastang magkakilala tayo.” Natigilan siya dahil sa sinabi nito. Kinilabutan na naman siya. Mas malamig itong magsalita kaysa sa kanya. “Seriously? Stop acting like you don’t know me!” “Seryoso? May sakit ka ba? Sino ka ba, huh?” galit nitong tanong sa kanya kaya naman ay natigilan si Third. “I am Third,” pakilala niya sa dalaga ngunit umismid lang ito sa kanya. “Oh? Tapos?” walang ganang tanong ng dalaga. “What?” “Ano na? Ikaw si Third. So?” nandidilat na tanong nito sa kanya. Tiim-bagang siyang umayos ng tayo. He crossed his arms and with a disappointed look he said. “Don’t act like you forgot what you did to me!” “Umalis ka nga sa harap ko! Ano ba’ng pinagsasabi mo?” naiinis niyang tanong. “Puwede ba? Maghanap ka nang mapaglalaruang iba! Huwag ako at abala ako sa pag-aaral ko!” malakas nitong singhal sa kanya. Kaaga itong tumalikod at pumasok sa classroom nila. “Great! We’re classmate,” nanlulumong bulong niya sa sarili. Pinagpapawisan ang kanyang mga kamay lalo pa nang maalala ang sinabi nito kanina. Nagtagaka siya dahil magkamukha si Celestine at ang babaeng nakasagutan niya. Ang mas nagpagulo sa kanyang sistema ay kung bakit hindi siya nito nakilala? Pero kung ito nga si Celestine, sino naman ang inilibing nila? He was so scared that he almost peed himself. Kaagad siyang pumasok nang makita ang kanilang Profesor. Ito pa naman ang pinakaayaw niya sa lahat nang nagtuturo sa klase nila. Istrikto ito sa kanilang lahat kahit pa sa kanya na anak ng may-ari ng eskuwelahang pinagtatrabuhan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD