Chapter 3

1138 Words
Chapter 3 “She looks like her,” rinig ni Selestina na komento ng mga naroon. Nakaupo na siya sa kanyang upuan habang nakayuko. Medyo gumaan na ang kanyang pakiramdam. Hindi niya aakalaing sa unang araw niya sa bagong eskuwelahan ay may makakasagutan siya at ang nakakainis pa ay lalaki ito. Hindi naman siya sanay makipag-away lalo pa at tinitingala siyang estudyante sa dati niyang paaralan. Ayaw niyang mabahiran nang hindi magandang record ang kanyang iniingatang pangalan. “H-Hi!” nahihiyang bati sa kanya ng isang babae. Nakasuot ito ng ponytail at may hawak na libro. Maayos ang suot nitong uniform at malinis itong tingnan. Ngumiti siya nang bahagya dahil naalala niya ang inasta niya kanina. “Hello,” sagot ni Selestina sa babae. “How are you?” “Ayos lang ako. Ikaw?” intriga niyang tanong. “I’m fine. I’m Jordan,” pakilala nito. “Huh?” “Yes. I’m Jordan. That’s my real name,” nakangiti nitong sagot. “Wow! Cool!” namamanghang sambit ni Selestina. “Well, gusto ko lang makipagkaibigan sa ‘yo. As you can see, I don’t have friends,” Jordan added with a smile. Inilibot ni Selestina ang kanyang paningin. May ibang mundo ang mga naroon maliban sa paminsan-minsang paglingon ng mga ito sa kanyang kinauupuan. “Seryoso?” tanong niya. Tumango ang kaharap. “Can I sit beside you? Ayos lang naman sa lecturers natin,” anito. Ngumiti si Selestina bago tumango. At least she made a friend in her first day. Hindi na iyon masama. “Marami ang bully rito. Hindi pa nga dumarating ang leader,” nakangiwi nitong pagbibigay-alam sa kanya. Napaismid siya. “Talaga? Hmm. Hindi naman nakakapagtaka. Masyadong intense ang mga nandito,” komento ni Selestina. “Hmm. Kaya humanda ka. Baka ikaw na naman ang pagtripan nila. Ako kasi noon,” pagkukuwento ni Jordan kay Selestina. Selestina frowned at the thought that bullying exists in this corner of the world. Sa dating paaralan kasi niya ay hindi nauuso ang ganoon. She came from a public school and everyone there was loving and supportive. Tumango-tango siya habang iniisip ang sinabi ng kanyang katabi. “Bahala sila. Nandito ako para mag-aral,” usal niya bago humarap sa whiteboard. Ilang minuto lang ang hinintay nila at nagsimula na ang panghapon nilang klase. She was so focused on the lecturer that she didn’t even notice that someone in the backseat put some bubble gum on her hair. Saka na niya iyon napansin nang mag-uwian na. Susuklayin niya kasi sana ang kanyang buhok. Inis niyang tiningnan iyon sa salamin at nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita. Her hair is silky and straight. Nanggigigil niya iyong hinayaan. “Hala!” bulalas ni Jordan nang makita ang buhok niya. “A-Ayos lang,” halos maiiyak na niyang sabi bago inayos ang kanyang mga gamit. Hindi niya pinansin ang mga nagtatawanan sa paligid. “Hahayaan mo na lang ‘yan?” nag-aalalangtanong sa kanya ni Jordan. Tumango siya sa dalaga. “Ayos lang naman. Sa bahay ko na ‘to aayusin,” pilit ang ngiting sagot niya. Nagkibit-balikat lang ang dalaga. “Ikaw ang bahala,” anito. “Mauuna na ako sa ‘yo,” paalam nito sa kanya. “Sige. Ingat ka,” aniya bago tumalikod. Ramdam niya ang matatalim na titig sa kanyang likuran kaya naman lumingon si Selestina. Only to her disappointment, nakatitig sa kanya ang lalaking nagpakilalang Third kanina. Inismiran niya ito dahil sa inis. “Impostor,” rinig niyang bulong nito bago tumalikod ang lalaki at naglakad paalis. Dahil sa sinabi nito ay kumulo ang kanyang dugo ngunit pinigilan niya ang sariling patulan ito. Kaagad siyang umuwi sa dormitory niya. Maayos naman iyon maliban sa mangilan-ngilang babaeng naroon na halatang ayaw sa kanya. “Ano ba ang mayroon sa mukhang ‘to at masyadong mainit sa mga tao?” naguguluhang tanong niya sa sarili habang isinasara ang kanyang kuwarto. May tatlo siyang kasama roon dahil doubledeck ang kama. Hindi pa man niya nakikita kung sino ang mga ito ay mukhang mahihirapan na siyang pakisamahan ang mga ito. Bumuntonghininga siya bago naupo sa sariling kama. Mabuti na lang at nasa baba ang puwesto niya. Inayos niya ang mga gamit at nagpahinga sandali. Lalabas siya mamaya upang kumain. May cafeteria naman daw sa taas ng dormitory nila kaso mahal ang mga paninda. Hindi kaya ng kanyang budget kaya sa karenderya na lang siya kakain at nang makatipid siya sa gastusin. She was walking down the street when someone grab her arm. “Celestine?” Nagugulat na tiningnan ni Selestina ang dumaklot sa kanya. “Oh, my goodness! It’s true! You’re here!” natatawang singhal nito ngunit halatang hindi ito natutuwa sa kanya. Nanlilisik ang mga mata ng babae sa hindi niya malamang dahilan. Binawi niya ang kanyang braso mula rito at tiningnan ito nang mataman. “Sino ka?” malumanay na tanong ni Selestina sa babae. Kumunot ang noo nito bago nakapamaywang na umayos ng tayo sa harap niya. “What now? Are you playing?” nakaismid nitong tanong sa kanya. “Sino ka?” pag-uulit niyang tanong ngunit mas lalo lang itong naguluhan sa kanya. “You don’t remember me? I am Thirds’ ex-girlfriend! Your ultimate rival,” nandidilat na sagot nito. Si Selestina naman ang naguluhan dahil sa sinabi ng dalaga. Kumunot ang kanyang noo habang inintindi ang narinig. Tumatabingi pa ang kanyang ulo upang siguraduhing tama ang kanyang narinig. “Ano ang sinabi mo?” nagugulat niyang tanong sa dalaga. Mas lalo lang itong umismid dahil sa inaasta niya. “What now? Don’t play dumb in front of me. It’s lame, Celestine,” komento nito. “Hindi ako si Celestine,” pagbibigay-alam niya sa dalaga ngunit tumawa lang ito. “Tsk! I know you came back for Third. You can’t be that stupid, Celestine. Hinding-hindi na siya babalik sa ‘yo. Remember? You cheated on him with River,” pagkukuwento pa nito. Umusok ang ilong niya dahil sa narinig. Hindi niya maintindihan ang mga panagsasabi nito at ngayon niya lang nakita ang babaeng kaharap kaya imposible ang sinasabi nito. “I’m sorry to burst your bubble but I think you just mistook me for someone,” buntonghiningang usal niya bago tumalikod. Nagugutom na siya at lalo lang siyang nagugutom dahil sa sinasabi ng dalaga. Hindi na siya makapag-isip nang maayos lalo pa at kung ano-ano ang lumalabas sa bibig nito na wala namang kinalaman sa kanya. Hindi pa man siya nakakalayo ay hinablot ulit nito ang kanyang braso. Halos mahilo siya dahil sa lakas niyon. Muntik pa siyang matumba. “Ano ba!” malakas na singhal niya dahil sa inis. “I will make sure to ruin your life again,” pagbabanta nito ngunit hindi niya iyon binigyang pansin. “Dream on,” nanghahamon niyang sagot dito bago tumalikod at iniwan itong nanggagalaiti sa galit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD